Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Rodjun sa unsuccessful relationship ni Rayver sa mga naging GF: ‘Di siya ang may problema

MAGALING magdala ng karelasyon si Rodjun Cruz dahil umabot na sila ng 10 years ni Dianne Medina na maski may mga tampuhan ay kaagad nilang inaayos para hindi lumaki.

Say ni Rodjun, ”kami po kasi kapag may problema ni Dianne, sa aming dalawa lang, hindi namin inilalabas sa mga kaibigan namin kaya hindi lumalaki o nalalaman ng iba. Siyempre kung gusto ninyong ayusin ang problema, kayong dalawa lang at si God pa rin ang nasa sentro ng lahat.”

Sabi namin dapat pala pinapayuhan ni Rodjun ang younger brother niyang siRayver Cruz dahil walang nagtatagal na girlfriend.

“Si Rayver naman napakabait po niya, napaka-perfect niyang boyfriend, pero hindi naman po siya ‘yung may problema (sabay tawa), ha, ha. Sobrang mahal ko po ‘yung kapatid ko and kung nagka-girlfriend naman po siya, tutok naman, parang ako,” pagtatanggol ng kuya ni Rayver.

Hindi diretsong inamin ni Rodjun na ang mga nakarelasyon ni Rayver ang may mga problema simula kina Sarah Geronimo, Cristine Reyes, at iba pang taga-showbiz.

Pero ngayon ay may nagpapasaya sa buhay niya si Rayver, si Janine Gutierrez na nililigawan ng aktor.

Samantala, bilang paghahanda na sa future nina Rodjun at Dianne, kasama na sila sa Success Mall online business ni John Calub na rating empleado ng publication.

Ang paliwanag tungkol sa Success Mall, ”first of all, galing din ako sa  traditional businesses at empleado rin ako before. Pero napansin ko, right now ‘yung mga traditional business nadi-disrupt siya kasi natatalo na siya ng online businesses.

Kaya sabi rin ni Dianne, ay nagsisimula na sila ni Rodjun mag-ipon at kung papalarin in three or five years ay puwede na silang magpakasal ng simple lang at hindi engrande.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …