Monday , December 23 2024

PTFoMS ng Duterte admin pinuri (Laban sa pamamaslang)

UMANI ng papuri ang Presidential Task Force sa Media Security (PTFoMS) mula sa mga miyembro ng media at sa kanilang mga pamilya na naging biktima ng karahasan kaugnay ng kanilang trabaho.

Si Virgilio Maganes, isang komentarista sa DWPR Radyo Asenso na nakabase sa Dagupan City at kolumnista ng lokal na pahayagang Northern Watch ay nagpasalamat sa PTFoMS sa mabilis na pagkilos sa kanyang kaso na nagresulta sa pagkakaaresto sa suspek na si Michael Prado y Tangle, 33, residente sa Pueley Village Villassis, sinasabing nasa likod ng tangkang pagpatay sa biktima noong Nobyembre.

Nahuli ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ni Judge Junius Dalaten ng Regional Trial Court Branch 50 ng nasabing bayan.

Matatandaan, patungo si Maganes sa bayan ng Villasis noong umaga ng 8 Nobyembre 2016, nang sundan ang traysikel na kanyang sinasakyan ng riding in tandem.

Tatlong putok ng baril ang pinakawalan sa likod ng traysikel na tumama ang isa sa kanya bago umalis ang mga suspek.

Personal siyang dinalaw ni PTFoMS executive director, Undersecretary Joel Sy Egco, dating mamamahayag, at agad na pinakilos ang mga imbestigador na huwag lulubayan hangga’t hindi nahahanap ang mga salarin.

“I am very grateful for the help of PTFoMS, especially President Rodrigo Duterte who has shown his deep concern for media workers’ safety by creating the task force,” ani Maganes.

Ang task force ay binuo ni Presidential Communications Operations Office Secretary Martin Andanar noong nakaraang taon kasama ang freedom of information Executive Order na nilagdaan ng Pangulong Duterte.

Samantala, si Edralyn Pangilinan, balo ng pinatay na Catanduanes News Now publisher na si Larry Que, ay nagpahayag ng pagpapahalaga sa PTFoMS para matiyak ang paghahatid ng hustisya sa biktima, na pinaslang noong 19 Disyembre 2016.

Si Pangilinan at Marlon Suplig, isang local broadcaster na nagsampa ng kaso ng pagpatay sa Department of justice laban kay Gov. Joseph Cua, isang Prince Subion at mga pulis na sina Vincent Tacorda at Dan Bagay.

“We are thankful for the sincerity of the Duterte government in ser-ving justice for slain mediamen. We are aware of the PTFoMS’ sacrifices. The task force has provided security for our fa-mily as we go along this lengthy fight for justice,” ani Pangilinan.

Sa pulong ng PTFoMS, sinabi ni DOJ Assistant Secretary Juvy Manwong, isang panel of prosecutors ang bubuuin upang humawak sa kaso ni Que.

“This proves that Pre-sident Duterte pays no lip service to the people he promised to serve. We are forever grateful to him and the people behind PTFoMS,” diin ni Suplig.

Noong nakaraang linggo anim na pinakamalalaking grupo ng media ang nangako ng suporta para sa pamilya ni Que at mga kaibigan para sa hustisya.

Kabilang sa mga lumagda ang kinatawan ng Center for Media Freedom and Responsibility, National Press Club, National Union of Journa-lists of the Philippines, Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas; Publishers Association of the Philippines, Inc., at Philippine Press Institute.

Sa anim-buwan  accomplishment report sa Pangulo noong Mayo, sinabi ng  PTFoMS na ang pinakahuling survey ng The Press Freedom Index, ang Filipinas ay nasa ika-127 na ngayon na dating pang-138 noong 2016.

About hataw tabloid

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *