SANDAMAKMAK agad ang naging paggalaw ng mga manlalaro at koponan sa pagsisimula ng opisyal na free agency season ng NBA kung kailan ang koponan ay may pagkakataong manligaw ng mga manlalarong paso na ang kontrata.
Mapapanatili ng kampeon na Golden State Warriors ang mga beteranong si Andre Iguodala, Shaun Livingston at David West.
Pumirma ng tatlong taon si Livingston para sa US$24 mil-yon, si West naman ay sa one-year veteran minimum habang si Iguodala ay sa tatlong taon para sa US$48 milyon.
Hindi aalis si Blake Griffin sa Los Angeles Clippers kahit nasa Houston Rockets na ang kanyang kasanggang si Chris Paul matapos siyang pumirma ng 5-taong kontrata sa US$1783 milyon.
Lilipat patungong si Minnesota si Jeff Teague mula Indiana para sa tatlong taon at US$57 milyon, si JJ Redick ay wala sa Clippers at patungo sa Philadelpia para sa isang taon at US$23 milyon.
Pumayag si two-time NBA MVP Steph Curry sa super maximum offer ng Golden State na US$201 milyon para sa limang taon. Sixer na sina Amir Johnson sa isang taon at US$11 milyon habang nanatili sa New Orleans si Jrue Holiday para sa limang taon, US$126 milyon.
(JBU)