Monday , December 23 2024
Stab saksak dead

Lola patay sa akyat-bahay

TIGBAUAN, Iloilo – Patay ang isang 60-anyos lola makaraan saksakin ng hindi nakilalang magnanakaw sa kanilang bahay sa Brgy. Parara Sur, ng nabanggit na bayan, nitong Sabado ng gabi.

Salaysay ni MJ, 24-anyos adopted daughter ng biktimang si Baldomera Duga, ininspeksi-yon niya ang kanyang kuwarto nang mapansing pinagagalaw ng hangin ang kurtina rito.

Ngunit napansin niya na nawawala ang apat glass pa-nel ng kanilang jalousie window.

Hanggang maramdaman ni MJ na nakatutok sa kanya ang kutsilyong hawak ng suspek.

Humingi aniya sa kanya ng pera ang suspek at tinangka si-yang halayin.

Eksaktong pumasok sa kuwarto si Duga, dahilan para pagsasaksakin siya ng suspek.

Sinubukan ni MJ na tulungan ang ina ngunit sinaksak siya ng suspek sa braso at binti.

Pagkaraan, tumakbo si MJ pabalik sa sala para kunin ang 4-buwan-gulang na anak.

Nagtago ang mag-ina sa banyo hanggang sumaklolo ang mga kapitbahay. Hindi na naabutan ng mga kapitbahay ang suspek.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa kaso.

About hataw tabloid

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *