Monday , December 23 2024

Kita Kita, isasali sana sa MMFF

INTENDED for 2016 Metro Manila Film Festival pala dapat ang Kita Kita kaso hindi na itinuloy ng Spring Films producers dahil gusto nilang mas pagandahin pa ang pelikula, base ito sa kuwento ng isa sa producer na si Piolo Pascual sa ginanap na grand presscon.

“But we pull out even if we paid the registration, because we decided to mas pagandahin o mas ayusin pa ‘yung pelikula.  There’s a deadline ‘di ba, hinabol namin ang deadline but we decided last minute na ayusin na lang muna ang pelikula, huwag i-risk, so we decided to pull out from the film festival but instead, we had the world premiere at the Osaka Film Festival last March 2017.

“Maganda ang response kasi si direk Sig (Sigrid Andrea Bernardo) has a followings in Japan so ‘yung Filipino films were screened so Roon kami sa world premiere. And for international film festival, mayroon naman kami next,” kuwento ni Piolo.

Sinabi naman ni direk Sigrid kung saan ang next film festival nila, ”sa Nagoya, Japan this September (2017).”

Speaking of direk Sigrid, muli namin siyang tinanong tungkol sa bagong putahe ngKita Kita na ibang-iba sa dalawang nauna niyang pelikulang Ang Huling Cha Chani Anita at Lorna.

Ang Kita Kita ay isinulat at idinirehe ni Sigrid, ”oo ako rin ang sumulat, pero willing naman akong magdirehe ng ibang pelikula na hindi ako ang sumulat, nagkakataon lang din.”

Kaya tanong namin, ang dami-daming naiisip na idea ni direk Sigrid na kakaiba kaya saan niya ito ibinabase?

“Ito kasi ibinigay sa akin ‘yung dalawang artista (Alessandra at Empoy), kumbaga, it’s a commissioned work talaga na make a film about this two actors.

“May ibinigay naman sila sa aking script, medyo hindi ko style, so sabi ko, for two days inisip ko kung gagawin ko o hindi. O gagawa na lang ako ng bago, so ginawa ko ‘yung script at nagustuhan naman nila (Spring Films producers).”

Nabanggit pa na hindi kilala ni direk Sigrid si Empoy kaya nag-research siya ng hindi alam ng producers.

“Si Alex kasi as a person, may sense of humor. Actually, mas nakatatawa siya kaysa kay Empoy. Pareho silang may hirit, pero mas iba si Alex.”

Ang papel ni Alex sa Kita Kita ay Velo taxi o sosyal na pedicab driver at the same time, tourist guide. Pero si Empoy ay ayaw banggitin ng direktor kung ano ang papel dahil spoiler na kaya mas magandang panoorin na lang.

Anyway, anong klaseng producer si Piolo Pascual, ”okay siyang producer, parang ganoon lang ipinagkatiwala niya. During the shoot, hindi siya nakikialam, ‘pag tapos na at pinanood niya, roon siya nagko-comment.”

FACT SHEET – Reggee Bonoan

About Reggee Bonoan

Check Also

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

Atong Ang Sunshine Cruz.

Atong Ang inamin relasyon kay Sunshine

INAMIN ng negosyanteng si Atong Ang na may relasyon sila ng aktres na si Sunshine …

Bong Revilla Jr Boss Toyo Beauty Gonzalez Walang Matigas Na Pulis sa Matinik Na Misis

Sen Bong walang nakikitang mali sa mga lalaking takot sa kanilang misis 

MATABILni John Fontanilla MATALINO, mapagmahal, may puso. Ito ang paglalarawan ni Senador Bong Revilla sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *