Thursday , December 19 2024
PANGIL ni Tracy Cabrera

Horrible injustice

Each time a man stands up for an ideal, or acts to improve the lot of others, or strikes out against injustice, he sends forth a tiny ripple of hope, and crossing each other from a million different centers of energy and daring, those ripples build a current that can sweep down the mightiest walls of oppression and resistance.

— Robert Kennedy

PASAKALYE:

Aabot sa isang daang bilyong piso ang inilaan ng Department of Public Works and Highways para sa resiliency program ng pamahalaan na tutugon sa mga problema ng pagbaha  at trapiko, ibinalita ni Secretary Mark Villars a Kapihan sa Manila Bay media forum sa Café Adriatico sa Malate, Maynila.

Ayon sa kalihim, ito na ang pinakamalaki at pinaka-ambisyosong inisyatiba na napasimulan ng pamahalaan dahil sa mga nakaraang administrasyon ay nagtala lamang ng tatlong porsiyento ng gross domestic product (GDP) ang ilalaan para sa mga proyekto sa impraestruktura.

Ipinaliwanag ni Villar na sadyang plkin ito ng administrasyong Duterte sa sunod na taon hanggang sa pagbaba ng Pangulo bilang punong ehekutibo ng Republika.

Bukod sa pagpapalaki ng pondo ng DPWH para sa resiliency program, ipinangako rin ni Villar na kanyang tututukan ang lahat ng mga gawain ng kagawaran, partikular sa pagpapatayo ng mga tulay, paggawa ng mga kalsada at iba pang mahahalagang impraestruktura para mapabilis pero may kalidad.

Sa ngayon ay may nakalinyang 13 tulay na ipapatayo sa iba’t ibang bahagi ng kahabaan ng Pasig river at ito ay may layuning paluwagin ang traffic congestion sa Kalakhang Maynila.

Sa gitna nito hiniling ni Villar ang tiwala ng publiko dahil ngayon lang umano siya nakakita ng isang opisyal na may dedikasyon, katapatan at kadakilaan tulad ni Pangulong Duterte.

NANGAKO si Pangulong RODRIGO DUTERTE na lilinisin niya ang ating pamahalaan at lipunan sa korupsiyon at katiwalian. Naniniwala kaming desidido siyang tuparin ito, kaya umaasa kaming matutugunan niya ang idinulog sa kanya ng kaibigan nating si Ka DEMY, o Ginoong DAMASO FLORES, ukol sa kawalan ng hustisya sa kasong nadesisyonan na ng Korte Suprema.

Naglakas-loob ang ating kaibigang Ka DEMY na umapela kay Pangulong DUTERTE mula sa pagiging biktima ng masasabing ‘horrible injustice’ na kinonsinti ng nakaraan nating judicial system na umagaw ng tagumpay sa biktima. Dahil dito’y nawalan ng sariling tahanan ang ating kaibigan kahit hindi kasama sa litigasyon at “exempt from execution” sa ilalim ng Family Code at Rules of Court batay sa pinakamataas na uri ng pagkakapantay na paggawad ng katarungan.

PARA sa inyong komento o suhestiyon, reklamo o kahilingan, magpadala ng mensahe o impormasyon sa email na [email protected] o dili kaya’y i-text sa cellphone numbers 09054292382 para sa Globe at 0939122568 para sa Smart. Salamat po!

PANGIL – Tracy Cabrera

About Tracy Cabrera

Check Also

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Sa 3.6-M SSS pensioners, May 13th month naaaaa!!!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IKAW! Oo, ikaw my dear friend, isa ka ba sa 3.6 …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Victory Liner Inc., goes eco-friendly

AKSYON AGADni Almar Danguilan TAMA ang inyong nabalitaan, ang Victory Liner Inc. (VLI), ang top …

Firing Line Robert Roque

Pagod na sa daluyong — kahit pa nasa tasa

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MAKALIPAS ang 10 araw sa detension, pinalaya na nitong …

Dragon Lady Amor Virata

Bayaw vs hipag for P’que city mayor

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MAGBABALIK si formermayor and congressman Edwin L. Olivarez sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *