Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Federalismo dapat unawain ng barangays

NANAWAGAN si District 1 Councilor Peter Anthony “Onyx” Crisologo ng Quezon City sa lahat ng mga opisyal ng 142 barangays ng nasabing lungsod na “unawain muna ang magagandang layunin ng pagbabago ng sistema ng pamahalaan tungo sa Federalism” sa ilalim ng Duterte administration.

“Ang Partido Demokratiko Pilipino-Lakas ng Bayan ay inaabot ang aming mga kamay sa bawat mamamayan sa pamamagitan ng pagdaraos ng Basic Orientation to Party Principles and Federalism tungo sa lubos na kaalaman kung bakit kinakailangan ng pagbabago,” saad niya.

Bilang pangulo ng PDP-Laban sa District 1, hinihikayat niya ang publiko na magkaroon nang aktibong partisipasyon sa malalalim at matalinong talakayan at konsultas-yon upang ganap na maunawaan ang mga benepisyo maidudulot ng pederalismo hindi lamang sa Lungsod Quezon, kundi maging sa buong Filipinas.

Naniniwala ang konsehal, sa ilalim ng  pederalismo ay maiaangat ang ekonomiya ng bansa, lulutasin ang matinding kahirapan, magdudulot ng kapayapaan at pantay-pantay na kapangyarihan at yaman, at tutugunan ang pag-unlad ng Mindanao.

Sa pag-anyaya ng isang opisyal ng PDP-Laban sa District 6 noong nakaraang Hunyo 30, tinalakay ni Crisologo sa harap nina punong barangay Carlos Apo ng Barangay Sauyo at iba pang opisyal, senior citizens at representante ng iba’t ibang non-government at people’s organizations ang ideolohiya na itinutulak ng PDP-Laban tungo sa good governance.

Nitong nakaraang buwan, naimbitahin ni Angelo Mendoza, pangulo ng PDP-Laban sa District 2, si Crisologo sa pagdaraos ng Basic Orientation to Party Principles and Fe-deralism sa pagtitipon ng mahigit 800 kalahok na kinabibilangan ng mga punong barangay at iba pang opisyal mula sa barangays Holy Spirit, Batasan Hill, Commonwealth, Bagong Silangan at Payatas na ginanap sa Ever Gotesco mall sa Commonwealth Avenue.

“Nandoon po ako upang ipaliwanag ang layunin ng partido sa ilalim ng Duterte administration, at kung paano ang bawat isa sa atin ay maaaring makatutulong sa pamamagitang ng aktibong partisipasyon sa mga ganitong klase ng usapan, instead of criticizing the government,” diin ni Crisologo.

(RAMON ESTABAYA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ramon Estabaya

Check Also

Vigor Mendoza LTFRB

LTFRB Ch Mendoza pumalag vs 3 insurance management ng IC

MISMONG si Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Chairman Vigor Mendoza ang humiling sa …

SM Supermalls VFS Global FEAT

SM Supermalls and VFS Global Seal Partnership to Bring Visa and Travel Services Closer to Filipinos

Executives Shaking Hands. SM Supermalls and VFS Global leaders seal the partnership with a handshake …

DOST PTRI Weavers

Weavers Manifesto cries for respect, support for Philippine weaves, denounces machine replicas, printed substitutes

The growing popularity of traditional handloom-woven textiles has placed Filipino weavers at a critical crossroads. …

Bulacan Lakbike Festival Teban 7

Elevating Bulacan’s eco-sports tourism
Filipino cyclists from PH, abroad conquer DRT’s mountainous trails in Lakbike Festival Teban 7

CITY OF MALOLOS — Nearly 300 racers across the country and from abroad convened for another …

Bojie Dy

42 mambabatas mula Southern Luzon, Bicol nagpaabot ng ‘buo at walang pasubaling’ suporta kay Speaker Dy

ni Gerry Baldo NAGPAHAYAG ng panibagong manifetso ang 42 mambabatas mula Southern Luzon at Bicol …