ANG mga armas at bala mula sa China ay malaking tulong sa mga sundalo sa pakikisagupa sa Marawi City laban sa ISIS-influenced Maute, at iba pang mga teroristang grupo sa Lanao del Sur.
Sinabi ni Armed Forces of the Philippines spokesperson, Brig. Gen. Restituto Padilla, Jr., ang mga armas mula sa China ay maaaring gamitin ng mga sundalo dahil ang assault riffles ay katulad ng kanilang armas, at madaling gamitin.
Aniya, nagsasagawa pa ang militar ng imbentaryo sa nasabing arms shipment.
Ayon kay Padilla, kabilang sa shipment ang 3,000 riffles, limang milyong rounds ng live ammunition at ilang long-range rifles pa sa snipers.