Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ang First Lady ng Football: Antonella Roccuzzo

BINANSAGAN ng mga celebrity magazine ang brunette na si Antonella Roccuzzo bilang ‘the first lady of football’ — habang ang kanyang mister na si Lionel Messi ay kinikilalang ‘the best (football) player on the planet.

Dumalo ang mga sikat na showbiz at football star sa kasal nina Roccuzzo at Messi nitong nakaraang Biyernes, 30 Hunyo, sa Rosario, Argentina.

Sa kabila ng bonggang kasalan, ipinipilit ng mga kaibigan ng mag-asawa sa kanilang home city sa northern Argentina na sadyang mapagpakumbaba ang dalawa na kailan ma’y hindi nakalimot sa kanilang pinanggalingan.

Itinuturing na ‘man of few words’ hinahayaan ng milyonaryong Barcelonan na ang kanyang mga paa na lamang ang magsalita para sa kanya — at lalo na ang kanyang maybahay na sadyang hindi kumikibo sa harap ng publiko.

Umiwas ang pamilya ni Roccuzzo na makapanayam ng mga mamamahayag na sumaksi sa kanyang kasal kay Messi.

Ang ama ng dalaga na si Jose ay may-ari ng chain ng mga lokal na supermarket — ang Unico. Dati siyang pangulo ng isang regional supermarket owners’ association. Bukod dito, sinasabi din na fan siya ng Newell’s Old Boys — ang  boyhood club ng asawa ng kanyang anak sa Rosario.

Samantala, si Roccuzzo ay lumaki sa upper middle-class Bella Vista district at nag-aral sa isang private school, ayon sa isang kaibigan na humi-ling na huwag nang banggitin pa ang pangalan.

Inihayag ni Diego Vallejos, isa sa childhood friend at kapitbahay ng pamilya Messi, na nagkakilala ang bagong kasal noong 9-anyos sila at agad na napaibig ang ngayo’y sikat na football player.

“(He) fell in love forever at first sight” ani Vallejos sa panayam ng AFP.

“We will always remember Antonella as being around this neighborhood and as being Messi’s girl,” dagdag ng isa pang kaibigang si Franco Lentini, na lumaki sa komunidad na namuhay ang pamilya ni Messi.

ni Tracy Cabrera

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Tracy Cabrera

Check Also

Aleah Finnegan SEAG

Finnegan nasungkit ang pangalawang ginto sa SEA Games

BANGKOK — Muling pinatunayan ni Paris Olympian Aleah Finnegan na siya ang pinakamakinang na bituin …

Justin Kobe Macario SEAG

Macario, unang gintong panalo ng PH sa Thailand SEA Games

BANGKOK – Inihatid ni Justin Kobe Macario ang unang ginto para sa Pilipinas sa Southeast …

PH Womens Ice Hockey SEAG

PH Women’s Ice Hockey, Optimistiko sa SEA Games Gold Kahit Talo sa Thailand

BANGKOK — Naniniwala ang Philippine women’s ice hockey team na mayroon pa rin silang tsansa …

Godwin Langbayan Rajae Dwight Del Rosario SEAG

Godwin Langbayan, Nag-uwi ng Bronze sa Jiu-Jitsu Fighting Class ng SEA Games

BANGKOK — Tinalo ni Godwin Langbayan si Rajae Dwight Del Rosario, 21-16, sa isang all-Filipino …

PH taekwondo jins Poomsae SEAG

PH taekwondo jins, nasungkit ang silver sa men’s Poomsae team sa SEA Games

BANGKOK – Nakakuha ng unang silver medal para sa bansa ang mga Filipino taekwondo jins …