Friday , December 26 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ancajas tagumpay sa IBF title defense sa Pacquiao-Horn undercard

PINATUMBA ni Filipino protégé Jerwin Ancajas si Teiru Kinoshita ng Japan sa ikapitong round upang tagumpay na maidepensa ang kanyang IBF super flyweight belt sa undercard ng Battle of Brisbane sa pagitan ni Manny Pacquiao at Jeff Horn sa Suncorp Stadium sa Australia kahapon.

Panay bodega ang banat ng 26-anyos na si Ancajas sa karibal na Hapon na nagpasuko rito.

Napaputok na rin ang kilay ni Kinoshita sa ikalawang round na sinamantala ng Pinoy na boksingero.

Opisyal na nagtapos ang laban sa 1:53 segundo ng 7th round.

Umakyat sa 18 knockouts at 27 panalo kontra 1 talo at isang tabla ang kartada ni Ancajas na lumalaban mula sa sariling boxing stable mismo ng boss na si Pacquiao na MP Promotions.

Bumagsak sa 25 panalo, 1 tabla at 2 talo ang IBF challenger at 31-anyos na si Kinoshita. (JBU)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Bryan Ulanday

Check Also

PBA TnT vs Magnolia

TNT may twice-to-beat advantage nang manalo sa Magnolia

NAKUHA ng TNT ang twice-to-beat advantage para sa quarterfinals ng PBA Season 50 Philippine Cup …

PH Ailas Pilipinas SEAG

Alas Pilipinas men’s team, nakabawi at nagkamit ng bronze

BANGKOK — Bumangon ang Alas Pilipinas mula sa pagkakaiwan ng dalawang set upang talunin ang …

PH Gilas Pilipinas SEAG

Gilas Five, dinaig ang Thailand, napanatili ang korona sa SEA Games

BANGKOK — Bumangon ang Gilas Pilipinas mula sa 13-puntos na pagkakaiwan at sa mainit na …

PH SEAG Football

Filipinas, Nakamit ang Unang Gintong Medalya sa SEAG Football

CHONBURI – Nadagdagan ng isang makasaysayang gintong medalya sa Southeast Asian Games ang listahan ng …

DLSU De La Salle UAAP

Green Archers, inangkin muli ang korona sa UAAP basketball

INANGKIN muli ng De La Salle University ang kampeonato sa UAAP men’s basketball matapos magwagi …