TINIYAK ng Palasyo na hindi magagaya sa rehabilitasyon ng Yolanda ang pagbangon ng gobyernong Duterte sa Marawi City.
Sa press briefing sa Palasyo kahapon, iniha-yag ni Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Mark Villar, masyadong desmayado si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga pasilidad na ipinatayo para sa mga biktima ng Yolanda kaya mahigpit ang tagubilin sa kanyang huwag itong ulitin sa rehabilitasyon ng Marawi City.
“Well the President is very clear on this and he was… He expresses his disappointments in the facilities for Yolanda before and definitely hindi na po mauulit iyong nangyari,” ani Villar.
Nais aniya ng Pangulo na ibigay ang batayang pangangailangan sa mga pabahay, gaya ng kor-yente at tubig.
Gusto rin aniya ng Pangulo na huwag maulit ang mga pagkakamali ng nakalipas na administrasyon sa Yolanda.
“Kasi una ang importante — basic po iyan e, iyong tubig, koryente. Kailangan kung saan i-yong site ng —iyong resettlement site should be near a water source, should be near an electric source basic po iyan e, and that’s something that hindi na po mauulit definitely. We have already seen the mistakes from the past and we will not — we will not repeat them,” giit ni Villar.
Nauna nang sinabi ng Pangulo na maglalaan siya ng P20 bilyon para sa rehabilitasyon ng Marawi City matapos mapatay ang kahuli-huling tero-ristang naglulungga sa siyudad.
Mahigit isang buwan na ang bakbakan ng Maute/ISIS at tropa ng pamahalaan nang magtangka ang mga awtoridad na dakpin si East Asia ISIS Emir Isnilon Hapilon noong 23 Mayo, na nagbigay-daan sa pagdedeklara ni Duterte ng martial law sa buong Mindanao.
ni ROSE NOVENARIO