PUNTIRYA ng defending champion San Beda na panatilihin ang korona sa kanilang bakuran sa 93rd NCAA basketball tournament na magsisi-mula sa susunod na buwan sa Mall of Asia Arena, Pasay City.
Nagbalik si coach Boyet Fernadez upang aka-yin muli sa kampeonato ang Red Lions, hinawakan ng dating PBA cager ang Mendiola-based squad nang maghari sila noong 2013 at 2014.
Isa sa matinding armas ni Fernandez ang mabalasik na si Robert Bolick at dahil tinalo nila sa Preseason Premier Cup finals ang reigning UAAP champion La Salle ay naniniwala silang magiging mahirap ang kanilang tatahakin.
“Our goal is to keep that NCAA trophy at San Beda and we expect it to be tougher after our recent victory,” wika ni Fernandez.
Pinalitan ni Fernandez si Jamike Jarin na bagong coach ng National University sa UAAP.
“We’re proud of what we’ve accomplished in the pre-season. But this doesn’t mean its going to be easy come NCAA after this. It will not, because we expect teams to prepare for us more,” saad ni Bolick na tumikada ng clutch basket sa finals ng Premier Cup laban sa da-ting team na DLSU.
Kinalos ng San Beda sa finals noong nakaraang season ng NCAA ang Arellano University, at si Dan Sara lang ang nawala sa Red Lions kaya matibay pa rin ang kanilang lineup.
Nasa listahan pa rin sina Jayvee Mocon, Davon Potts, Jose Presbitero, Ben Adamos, Arnaud Noah at Radge Tongco.
Ipaparada rin ng San Beda ang bagong players na sina Ateneo transferees Clint Doliguez at 6-foot-8 Kenmark Carino.
(ARABELA PRINCESS DAWA)