PINATUNAYAN ni Chairman Martin Diño na isinusulong ng administrasyong Duterte ang mga proyektong makatutulong sa ekonomiya ng bansa sa pamamagitan ng Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA).
Ipinahayag ito ni Diño sa news forum na Kapihan sa Manila Bay sa Café Adriatico, sa gitna ng mainit na kampanya ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte laban sa ilegal na droga at talamak na terorismo sa Mindanao partikular sa Marawi.
Bilang katunayan, ipinagmalaki ni Diño sa Cafe Adriatico, Malate, Maynila ang P15-bil-yong proyekto sa SBMA na may basbas ng Pa-ngulo.
“Linisin mo ang Subic, palaguin mo ang Subic!” Iyan umano ang utos ni Pangulong Duterte nang itinalaga siyang SBMA Chairman.
Nais ng Pangulo na linisin ang lugar dahil isa ito sa mga talamak na transport point ng shabu at iba pang ilegal na droga at maging ang mga container truck na nakaimbak ay ginagawa umanong laboratoryo ng shabu.
Imbes ilegal na droga, ang SBMA ay potensiyal na makatutulong para sa mga proyektong magpapalago sa ekonomiya ng bansa.
Kabilang sa mga proyektong inilatag ni Diño ang Subic International Airport, Container Terminal, seaport na may 20,000 teu ship capacity, at 17-kilometrong kalsadang magdurugtong sa SCTEX na aabot sa P11.5 bilyon.
“I hope less than a year ay paandarin na namin ang Subic International Airport, magiging cargo at magiging passenger.”
Maglalaan ng P300 milyon ang SBMA para sa makabagong antenna at landing equipment at karagdagang P500 mil-yon mula sa national government.
Kasalukuyang operational ang P8-bilyong dolyar na Airport na lalag-yan ng 2 runway at terminal na kayang tumanggap nang halos 10 mil-yong pasahero.
“Lahat ng cargo for the north at central Luzon dapat sa Subic na idaan at lahat ng cargo para sa south ay ilagay na sa Batangas para walang cargo trucks na iikot sa Metro Manila, that will decongest Manila,” diin ni Diño sa tagubilin ni Pangulong Duterte.
Palalawakin na may karagdagang 600,000 teu capacity ang container terminal ng Subic na sa kabuuan ay ma-giging 1.2 milyon teu capacity, na kakayaning ipasok ang kapasidad ng port at south harbour.
Ayon kay Diño, ang sagot ng Pangulo sa krisis sa ekonomiya na kinahaharap ng bansa dahil sa pagbagsak ng piso laban sa dolyar ay pagbubukas ng bansa sa mga investor.
Ibinida ni Diño na maraming interesadong investors ang pumupunta sa Subic linggo-linggo kaya ang kanyang weekend ay inilalaan niya para sa pakikipagpulong sa kanila.
(Ronaline Avecilla)