Saturday , November 16 2024

Nag-away sa plato, laborer utas sa katrabaho

AGAD binawian ng buhay si Kevin Lampitok makaraan dalawang beses saksakin ng kapwa construction worker na si Val Flores nang magtalo dahil sa paggamit sa plato ng suspek sa construction site sa Yakal St. at Ayala Avenue, Makati City. Tinutugis ng mga awtoridad ang suspek na tumakas makaraan ang insidente. (ERIC JAYSON DREW)
AGAD binawian ng buhay si Kevin Lampitok makaraan dalawang beses saksakin ng kapwa construction worker na si Val Flores nang magtalo dahil sa paggamit sa plato ng suspek sa construction site sa Yakal St. at Ayala Avenue, Makati City. Tinutugis ng mga awtoridad ang suspek na tumakas makaraan ang insidente. (ERIC JAYSON DREW)

PATAY ang isang 25-anyos construction worker makaraan saksakin ng katrabaho bunsod nang pag-aaway dahil sa plato sa Makati City, kahapon ng madaling-araw.

Kinilala ang biktimang si Kevin Lampitok, stay-in sa construction site ng commercial building sa Yakal St., San Antonio Village, ng lungsod, at residente sa San Jose Del Monte City, Bulacan.

Habang tinutugis ng mga awtoridad ang suspek na si Val Flores, isa ring construction worker.

Ayon sa salaysay ng testigong si Teddy Rebong, nakita ng suspek na ginagamit ng biktima ang kanyang plato na pinaglagyan ng pulu-tan dakong 1:00 am.

Tinanong ni Flores sa biktima kung saan ga-ling ang platong ginamit ngunit pabalang na sinagot ni Lampitok, noon ay lasing, na ninakaw niya ito.

Napikon si Flores sa sagot ng biktima hanggang magkaroon sila ng mainitang pagtatalo.

Nagpasyang umalis ang suspek para bumalik sa barracks ngunit sinundan siya ng biktima.

Lingid sa kaalaman ng biktima, armado ng patalim ang suspek na agad siyang inundayan ng saksak sa dibdib.

Tinangkang harangin ng mga guwardiya ang papatakas na suspek ngunit iwinasiwas ang patalim sa kanila.

Napag-alaman, dati nang may alitan ang da-lawa bago naganap ang insidente.

(JAJA GARCIA)

About Jaja Garcia

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *