Thursday , January 29 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Janella, pinagbawalang makipag-BF

MARAMING   nabiting  entertainment press sa ginanap na grand presscon ng Bloody Crayons noong Martes ng tanghali sa Dolphy Theater dahil hindi na one-on-one interview ang buong cast dahil hinila na kaagad sila ng kani-kanilang road managers dahil may pupuntahan pa raw.

Sa Q and A kasi ay hindi naitanong ng mga katoto ang gusto nilang itanong sa mga artistang nasa presscon tulad nina Jane Oineza, Sofia Andres, Diego Loyzaga, Yves Flores, Maris Racal,at Ronnie Alonte.

Good thing may back-to-back presscon si Empoy Marquez sa isa pa nitong pelikula na produced naman ng Spring Films distributed ng Viva Films.

Anyway, natanong si Elmo kung ano na ang real score nila ni Janella dahil base naman sa mga nakakakita ay parang may something na sila.

“No, no, wala pa. I’m just happy na nakakaroon pa rin kami ng projects  ni Janella right after ‘Born For You’, so, ayun, nabigyan ulit kami ng chance to show our skills dito sa ‘Bloody Crayons’. So, we’re very happy. Thank you Star Cinema,”sagot ni Elmo. ”Gusto kong pinaliligaya si Janella araw-araw!” hirit pa.

Inamin ng aktor na espesyal si Janella sa kanya kaya lahat ng makapagpapasaya sa aktres ay gagawin ni Elmo.

”Lumalabas ‘yung pagiging super ko pagdating kay Janella. Kasi, nakilala ko na si Janella and wala, gusto ko siyang masaya lagi. Gusto ko siyang pasayahin lagi. Happy siya kapag may food. The secret through Janella’s heart is through her stomach,” nakangiting kuwento pa ng binatang aktor.

At para kay Janella ay wala pa talaga silang relasyon ni Elmo dahil pinagbawalan siyang makipag-boyfriend at sa career muna ang focus niya.

Samantala, ang Bloody Crayons ay galing sa Wattpad story at best selling novel ngPrecious Pages ni Jason Argonza na kuwento tungkol sa isang college barkada na nagpunta sa isang isla para mag-shoot ng isang horror movie.

Iisa ang tanong ng lahat, sino ang pumapatay sa mga grupo? Abangan sa Hulyo 12 mula sa direksiyon ni Topel Lee produced ng Starcinema.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Raoul Aragon

Veteran actor Raoul Aragon pumanaw sa edad 78

KINOMPIRMA ng pamilya ni Raoul Aragon na pumanaw na ang veteran actor noong January 22, 2026, sa …

Nadine Lustre

Nadine galit na galit sa pumapatay ng ahas

MATABILni John Fontanilla DAMANG-DAMA ng publiko ang galit ni   Nadine Lustre sa sunod-sunod nitong post sa kanyang Instagram. …

Gina Marissa Tagasa Kokoy de Santos Rhen Escano

Gina Marisa Tagasa pumalag sa pagngawa ni Rhen 

I-FLEXni Jun Nardo REPLAY na pala ang episode sa Magpakailanman na tampok ang buhay ng Sparkle artist …

Lea Salonga

Lea hindi nakaligtas sa intriga

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SA kompirmasyong isiniwalat ni Lea Salonga hinggil sa hiwalayan nila ng asawa, marami …

Bong Revilla Jr Family

Pamilya Revilla matapang na hinaharap bagong pagsubok 

PUSH NA’YANni Ambet Nabus EXPECTED na sa showbiz ang magkaroon ng hati o mixed reactions …