UMATRAS si Rachel Anne Daquis sa National Team kaya ang ipinalit ay si La Salle netter Kim Dy.
Pero nakasalalay sa mga profe-ssors ni Dy kung makalalaro siya Philippine women’s volleyball na nagha-handa sa Kuala Lumpur Southeast Asian Games sa Agosto.
Aabutin nang isang buwan ang kanilang team training sa Japan (July 17 – August 2) at ilang aktibidad, kaya apektado ang pag-aaral ni Dy.
“Actually, I’ll try to talk to my professors to give me early exams or early school work,” saad ni Dy. “It will depend din sa professors ko if they will give me a chance to take my school work early kasi three weeks din ‘yun na wala ako sa school.”
Ayon kay La Salle coach Ramil de Jesus importante ang pag-aaral ni Dy pero malaking karangalan naman sa isang atleta ang lumaban para sa bansa.
“Kung ako ang tatanungin gusto ko talaga na makalaro sa national team ang player ko, kasi ’yun ang pinaka-inaambisyon ng bawat player,” ani De Jesus. “Sana makausap niya ang mga teachers niya, sana payagan siyang mag-leave.”
(ARABELA PRINCESS DAWA)