Thursday , January 29 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Tristan, napipisil bilang Ding sa Darna

TRULILI kaya na ang batang Tristan sa La Luna Sangre na si Justin James Quillantang ang napipisil na maging Ding sa Darna movie ni Liza Soberano?

Ito ang mabilis na balitang nalakap namin nitong weekend na ang bagets  ang gusto ng ABS-CBN management dahil sa galing na ipinakita nito sa La Luna Sangre.

Oo nga naman, ang galing-galing nga naman ng batang Tristan umarte maski na bulol ay hindi naging balakid ito para hindi maintindihan o ma-gets ng manonood ang mga sinasabi niya at higit sa lahat, aliw na aliw kami at bagay sa kanya ang suot niyang short na hanggang bukong-bukong niya.

Sabi sa amin ng Star Creatives team, dumaan sa audition si Justine James at fresh pa dahil wala pang nagagawang teleserye.

Mukha naman pero pamilyar siya sa amin dahil siya ang batang bida sa isang TVC na gamot pambata.

Ang dami ngang nagpo-protesta na sana umabot ng isang buwan ang mga batang Tristan at Malia (Erika Clemente).

Samantala, puring-puri naman ng nakatsikahan din naming TVC director na sadyang inaabangan niya ang La Luna Sangre dahil ang gaganda ng shots at ang gagaling ng mga artista maski na supporting lang.

“Mahusay talaga ang Dos sa ganyan, pelikula ang dating at ang gagaling ng mga artista, maski na ‘yung mga support at ultimo ‘yung mga batang Malia at Tristan. Fresh pa ang mga hitsura.”

FACT SHEET – Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Raoul Aragon

Veteran actor Raoul Aragon pumanaw sa edad 78

KINOMPIRMA ng pamilya ni Raoul Aragon na pumanaw na ang veteran actor noong January 22, 2026, sa …

Nadine Lustre

Nadine galit na galit sa pumapatay ng ahas

MATABILni John Fontanilla DAMANG-DAMA ng publiko ang galit ni   Nadine Lustre sa sunod-sunod nitong post sa kanyang Instagram. …

Gina Marissa Tagasa Kokoy de Santos Rhen Escano

Gina Marisa Tagasa pumalag sa pagngawa ni Rhen 

I-FLEXni Jun Nardo REPLAY na pala ang episode sa Magpakailanman na tampok ang buhay ng Sparkle artist …

Lea Salonga

Lea hindi nakaligtas sa intriga

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SA kompirmasyong isiniwalat ni Lea Salonga hinggil sa hiwalayan nila ng asawa, marami …

Bong Revilla Jr Family

Pamilya Revilla matapang na hinaharap bagong pagsubok 

PUSH NA’YANni Ambet Nabus EXPECTED na sa showbiz ang magkaroon ng hati o mixed reactions …