NAKAHANDA na ang detention chamber para kay Ilocos Norte Gov. Imee Marcos sa Kamara kapag nabigo siyang dumalo sa susunod na pagdinig hinggil sa imbestigasyon kaugnay sa iregular na pagbili ng kanyang probinsiya ng P66.45 milyong halaga ng mga sasakyan, ayon sa pahayag ng isang mambabatas kahapon.
Binalaan ni Surigao del Sur Rep. Johnny Pimentel, chair ng House good government and public accountability committee, si Marcos na maaaring makasama niya sa piitan ang anim niyang mga kababayan kapag hindi siya sumipot sa pagdinig sa 25 Hulyo.
Ayon kay Pimentel, agad iuutos ng komite ang pag-aresto kay Marcos kapag nabigo siyang dumalo sa nasabing pagdinig.