AABOT sa mahigit $35 bilyon ang probetso ng Filipinas sa 21 foreign trips ni Pangulong Rodrigo Duterte na ginastusan ng P300 milyon sa unang isang taon ng kanyang administrasyon.
Aminado si Communications Secretary Martin Andanar sa taguri sa Pa-ngulo na “most travelled president” ngunit ang mahalaga aniya’y ang benepisyong mapapala ng bansa at sambayanang Filipino sa mga naturang biyahe.
“Totoo naman na most travelled at totoo rin naman na ang nagastos ay nasa P300 milyon sa mahigit 21 biyahe. Pero siguro ang mahalaga rito, tingnan natin iyong cost benefits analysis natin,” ani Andanar.
Nakasungkit aniya nang mahigit $35-B investment pledges ang Pangulo sa mga foreign trip bukod sa mas lalong gumanda ang relasyon ng Filipinas sa ibang bansa.
“So, really you can see the relationship, you cannot pay it. The people-to-people relationship aside from the actual return of investment of $35 billion, we we’re able to establish that relationship with different countries and we’re able to put again our country in the map, we are again being looked up in the international stage,” ani Andanar.
Kabilang sa mga bansang binisita ng Pangulo ang siyam kasaping bansa ng Association of Southeast Asian Nations, katulad ng Japan, China, Russia, Peru, Saudi Arabia, Qatar, at Bahrain.
ni ROSE NOVENARIO