Saturday , November 16 2024
16th President of the Philippines Rodrigo "Rody" R. Duterte looks on as outgoing President Benigno S. Aquino III starts to troops the line for his departure honor during the inaugural ceremony of President Duterte held at the Malacañang Palace on June 30, 2016. (photo by Richard V. Viñas)

Terorismo sa bansa lumakas — Andanar (Sa mahinang pundasyon ng administrasyong PNoy)

MAHINA ang pundasyon ng liderato ng nakalipas na administrasyon kaya nakapasok at nakapagpalakas ng puwersa ang mga teroristang grupo sa Mindanao.

Tiniyak ni Communications Secretary Martin Andanar, umuusad ang mga reporma, partikular ang pagpapatibay sa mga institusyon upang hindi na makaporma ang mga teroristang grupo sa ilalim ng administrasyong Duterte.

“It’s common knowledge to everyone na ang mga ISIS ay sumusugod sa mga bansa na mahina iyong institutional… iyong institusyon mismo ng demokrasya o ng governance. And sad to say that for the past few years talagang mahina iyong ano…walang sumusunod sa batas etcetera, pero ngayon matibay na, matibay na po at nireporma natin iyong mga institusyon ng ating bansa para ang ating gobyerno ay maging matatag para hindi basta-basta tayo napapasok ng ISIS. Remember that it took them years to set up here in our country,” ani Andanar.

“And it is one fact that hindi po ito na-address noong nakaraang administrasyon,” dagdag niya.

Sa simula pa lang aniya ay nagbabala na si Pangulong Rodrigo Duterte na tututukan ang problema sa terorismo kasunod ng kampanya kontra-illegal drugs.

“Simula’t sapol, the President already warned everyone na after nitong drug problem natin su-sunod iyong ISIS. But it’s an international problem,” ani Andanar.

Naunang inamin ni Pangulong Duterte, ang pananahimik ng administrasyong Aquino kontra-terorismo ang nagpalakas sa teroristang grupong Maute/Islamic State of Iraq and Syria (ISIS).

Ang malakas na industriya ng illegal drugs sa Mindanao ang nagpondo aniya sa terror groups bukod sa mga pondong ipinadala kay Supt. Cristina Nobleza, ang dinakip na opisyal ng PNP, na lihim na sumapi sa teroristang grupong ASG.

Matatandaan, sa ASEAN Summit noong nakalipas na Abril ay nanawagan si Pangulong Duterte sa mga lider  ng ASEAN, na mas lalo pang paigtingin ang paglaban sa  terorismo at extremism.

Ayon sa Pangulo, nasa pintuan mismo ng  bawat bansa sa  ASEAN ang  terorismo at patuloy  na  may nangyayaring  karahasan.

Umabot sa walong dayuhang terorista ang napatay sa pakikipagbakbakan sa mga tropa ng pamahalaan sa nakalipas na mahigit isang buwan sagupaan sa Marawi City.

(ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *