INIMBITAHAN sa presinto ang tatlong pasahero ng barko sa Port of Cagayan de Oro makaraan makompiskahan nang aabot sa P40 milyon, nitong Lunes.
Ayon kay Coast Guard spokesperson Commander Armand Balilo, nakasilid ang bulto-bultong pera sa apat sel-yadong kahon ng styropor.
Iginiit ng tatlong pasahero na mga empleyado sila ng banko at nagprisenta ng kaukulang mga dokumento.
Sa kabila nito, isinailalim sila sa interogasyon dahil kuwestiyonable ang pagdadala nila ng napakalaking halaga ng pera.
Noong nakaraang linggo, limang pasahero ang inaresto sa Cagayan de Oro Port dahil sa paggamit ng pekeng ID.