ANAK ng… shabu nga naman talaga!
Ano ba ang mayroon sa ilegal na droga at marami pa rin nababaliw sa paggamit at pagbebenta nito?
Nang ipatupad ang kampanya laban sa droga sa pag-uumpisa ng Digong administrasyon, marami-rami nang tulak ang naaresto at napatay. Marami rin gumagamit ang nadakip matapos mahuli sa akto.
Umabot sa isang milyon o mahigit ang sumuko sa Philippine National Police (PNP) sa pama-magitan ng “Oplan Tokhang.”
At ang nakalulungkot nga rito, marami rin palang pulis ang nasa likod ng pagtutulak ng droga. Oo, at ang drogang kanilang ibinebenta ay mula sa kanilang mga nakompiska. Tawag sa mga pulis na ganyan, “ninja cops.”
Ang kagandahan naman ng kampanya, nabuko ang kalokohan ng “ninja cops” bukod sa marami rin sa kanila ang napatay. Buti nga sa inyo.
Sa Quezon City nga, ilan sa natuklasang ninja cops ay mga pulis na nakatalaga pa mismo sa QCPD – District Anti-Illegal Drugs, pero, nabuwag din ang mga kumikilos na ninja cop sa DAID bu-nga ng mahigpit na pagpapatupad ni QCPD director, Chief Supt. Guillermo Lorenzo T. Eleazar, sa kampanya laban sa droga.
Hindi lang DAID ang nilinis kung hindi maging ang mga Station Anti-Illegal Drugs sa 11 estasyon ng pulisya sa Quezon City.
Ang paglilinis ay hindi lang sa QCPD nangyari kundi lahat ng district director sa apat pang district police sa National Capital Region (NCR) ay kumilos.
Ngunit, sa kabila ng lahat – halos araw-araw ay may napapatay pa ring tulak. nakikipagmatigasan pa rin ang mga nasa likod ng pagkakalat ng droga sa bansa. Tila ba sinasabi ng sindikato ng droga na matira ang matibay o pahabaan lang ng pisi ang labanan.
Kaya hayun ang resulta, walang araw na walang napapatay na tulak at naaarestong user. Bukod diyan , sige pa rin ang paggawa ang mga shabu lab sa bansa kahit marami na ring shabu lab ang sinalakay.
Heto nga, may nalalabi pa palang ninja cops na wala pa ring takot kahit ilan na rin sa mga napatay ay ninja cops, kabilang dito ang isang senior inspector o kapitan na nakatalaga noong sa DAID ng QCPD.
Sa kabila ng pagkakapatay ng ninja cop na isang opisyal, may nalalabi pa palang ninja cop sa QCPD, lamang ang pagkakaiba ay AWOL policeman na siya at patuloy na nagpapakilalang miyembro ng QCPD.
Ngunit, nitong nakaraang linggo ay tinuldukan na rin ng QCPD District Drugs Enforcement Unit (DDEU) base sa direktiba ni Eleazar, ang operasyon ng nalalabing ninja cop na si SPO3 Arsenio David Jr., ng Marikina City at dating nakatalaga sa QCPD Anonas Police Station 9 bago nag-AWOL.
Sa intel report na nakalap ng QCPD, sa kabila ng pagka-AWOL ni David, nagpapakilala pa ring isang pulis si David. Nanghuhuli ng mga tulak at kanyang ibinabangketa habang ang droga na nakokompiska ay kanyang ibinebenta.
Pero kung inakala ni David na tahimik na ang QCPD laban sa ninja cops, isang malaking maling pag-aakala ang lahat dahil kailanman ay hindi nagpahinga si Eleazar sa pagpapatupad ng gi-yera laban sa droga.
Kaya, sa ikinasang buy bust operation laban kay David, kalaboso ang mokong makaraang bentahan ng shabu ang isang pulis ng DDEU na nagpanggap na buyer sa Philcoa, QC. Kasama sa naaresto ang live-in partner ng pulis, si Lucilla Palencia at tauhan nitong si Arnold Blanco.
Kasuwerteng ninja cop ni David kompara sa mga naunang nabukong ninja cop. Bakit? Masuwerteng ninja cop si David dahil buhay nang mahuli ng pulis. Hindi tulad ng mga naunang ninja cops na napapatay. Paano naman kasi, nanlaban sila. E si David naman ay mukhang aral na ninja cop. Hindi nanlaban kaya, buhay ang ninja cop.
Ano pa man, ang pagkakahuli ay David at dalawa pa niyang kasama ay patunay na patuloy ang kampanya ng QCPD laban sa droga lalo sa mga nalalabi pang ninja cops.
Congratulations Gen. Eleazar sampu ng mga opisyal at operatiba ng DDEU.
AKSYON AGAD – Almar Danguilan