HINDI na tatapusin nina Chris Paul at Blake Griffin ang huling taon ng kanilang kontrata sa Los Angeles Clippers para subukan ang free agency sa NBA off season na magsisimula sa 1 Hulyo.
Dahil sa opt out sa kanilang huling taon, maaaring mamili sina Gritfin af Paul ng mga koponang liligaw sa kanila bilang unrestricted free agents kapag nagsimula ang opisyal na free agency.
Pinakamaugong na destinasyon para kay Paul ang San Antonio Spurs habang Boston Celtics at Oklahoma City Thunder kay Griffin.
Si Paul at Griffin ang bumandera sa panig ng Clippers na nakapasok sa playoffs sa huling 6 seasons ngunit hindi pa nakalalagpas sa 2nd round maski isang beses.
Kung sakaling walang matipohang ibang koponan ang dalawang all-star, maaari pa rin silang bigyan ng maximum deals ng Clippers ayon sa kasalukuyang Collective Bargaining Agreement (CBA) sa NBA.
Maaaring kumita ng $21.4 milyon si Griffin kada taon kung pipirma sa Clippers habang aabot ng $205 milyon ang maaaring kitain ni Paul sa 5-taong bagong kontrata sa LA kung sakali.
Makakasama ni Paul at Griffin sa free agency sina Kyle Lowry ng Toronto, Dion Waiters ng Miami, Gordon at Haywayd ng Utah bilang ilan sa 2017 free agent superstars. (JBU)