Monday , December 23 2024

Muslims, Christians emosyonal sa Eid al-Fitr (Sa evacution center sa Iligan City)

062617_FRONT

NAGING emosyonal ang pagdiriwang ng Eid al Fitr sa evacuation center sa Iligan City nang mag-iyakan ang mga kababaihang Muslim at Kristiyano makaraan magpalitan ng handog na bulaklak na rosas kahapon.

Sa kalatas ng Office of the Presidential Adviser on the Peace Process (OPAPP), naganap ang okasyon na tinaguraing “Roses for Peace” sa open grounds ng Iligan City National School of Fisheries, na nagsisilbing evacuation center sa mga sibil-yang lumikas nang su-miklab ang bakbakan ng mga tropa ng pamahalaan at Maute/Islamic State of Iraq and Syria (ISIS) terrorist group.

“The mood was festive, as the more than 180 families who have been living in the evacuation center for a month commemorated Eid al-Fitr, or the end of the observance of Ramdhan. But what struck a sensitive chord among the hundreds of people gathered at the site was the exchange of roses between the Christian and Muslim evacuees. Muslim women broke down in tears, as their Christian counterparts embraced and handed them flowers, symbolizing love and the joyous and conciliatory atmosphere at the center,” anang kalatas ng OPAPP.

Sa mensahe ni Presidential Peace Adviser Jesus Dureza, na binasa ni Undersecreatry Diosita Andot, binigyan diin ang kahalagahan ng okasyon, ito aniya’y oportunidad para sa mga Kristiyano at mga Muslim na ipakita ang pagkakaisa sa harap ng armadong tunggalian.

Ani Andot, may mga puwersang nais magkaroon ng hidwaan ang mga Muslim at mga Kristi-yano sa pamamagitan ng armadong tunggalian ngunit hindi dapat magtagumpay ito, bagkus ay manatili ang pagkakaisa at magturingang magkakapatid.

“If we let this to happen, our enemies would succeed in their goal of destroying the good relations that have been established between Muslim and Christians,” sabi ni Andot.

Dapat aniyang kapit-bisig na isulong ng lahat ang peace agenda ng administrasyong Duterte.

Nagsasagawa ang OPAPP ng “social healing activities” sa Lanao del Norte na may layuning ibalik ang tiwala at respeto sa iba’t ibang ethno-religious groups sa mga apektadong lugar.

Pangunahing salik sa mga gawaing-paghihilom ang informal coversations sa maliliit na grupo sa pangunguna ng mga imam, ulama, at iba pang Muslim leaders at volunteers.

ni ROSE NOVENARIO

SIMBAHANG KATOLIKO
BUMATI SA MUSLIM

NAGPAABOT ng pagbati ang mga lider ng Simbahang Katoliko sa pagdiriwang ng mga Muslim sa Eid al Fitr, isang banal na pagdiriwang ng Islam sa pagtatapos ng isang buwan Ramadan.

Ayon kay Ozamis Archbishop Martin Jumoad, nawa ang isang buwan pagdiriwang ay maging daan para sa kapayapaan at pagkakaisa ng mga Filipino maging sa ibang panig ng mundo.

“Mga minamahal kong kapatid na Muslim ako po ay taos-pusong nagpapasalamat sa pagdiriwang ninyo ng Eid al Fitr. Sana po ito’y magdala sa atin sa kapayapaan at sa buhay na walang hanggan. Sana po ang celebration ay maging tulay para tayo po ay magkaisa para wala nang digmaan, kasi tayo po ay magkakapatid,” panalangin ni Jumoad.

Habang sinabi ni Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo, ang diwa ng pagdiriwang ay maghatid ng pagbabalik-loob ng bawat isa sa Di-yos at maabot ang adhikain ng bawat isa tungo sa kapayapaan.

“Sa mga kapatid kong Islam at sa aking mga kababayan sa pananampatalayang Islam, isang taos pusong pagbati ng kapatiran at pagkakaisa. Nawa ang Ramadan ay naging makahulugan at nagbunga ng pagbabalik loob sa Diyos ng lahat ng ating kapatid sa Islam,” ayon kay Bishop Bagaforo.

Kapwa umaasa si Archbishop Jumoad at Bishop Bagaforo, na magwawakas na ang kaguluhan at labanan sa Min-danao na isang buwan nang nasa ilalim ng martial law.
SEGURIDAD SA EID al-FITR
TINIYAK NG PULISYA

MAAGANG nagtipon-tipon ang mahigit 1,000 Muslim sa Golden Mosque sa Quiapo, Maynila para sa pagdiriwang ng Eid al-Fitr, ang pagtatapos ng Ramadan.

Bandang 6:00 am, nagsagawa ng congressional prayer na pina-ngunahan ng isang imam.

Taimtim silang nagdasal para sa kapayapaan, pagkakaisa at pagpapatawad.

Makaraan ang panalangin, nagsalo-salo sila sa iba’t ibang pagkain.

Naglagay ng mga donation box sa paligid ng mosque para sa mga biktima ng bakbakan sa Marawi.

Sa mga kalsada sa Quiapo, nasa 100 pulis ang naka-deploy para matiyak ang kaayusan sa paggunita ng Eid al-Fitr.

Nagpakalat ang Manila Police District ng ‘covert security’ o mga pulis na nakabihis sibilyan para magmanman at kumalap ng impormasyon.

Bukod sa pagpapanatili ng seguridad, naglagay ang mga pulis ng health units malapit sa Golden Mosque.

Sa Quezon City Memorial Circle, aabot sa 3,500 Muslim ang nagtipon para ipagdiwang ang pagtatapos ng buwan ng Ramadan. Eksaktong 7:00 am nagsimula ang morning prayer. Ayon sa pulisya, mapayapa at walang naitalang krimen sa  pagdiriwang.

About Rose Novenario

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *