Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Magkapatid na Quark at Cristalle, absent sa Belo-Kho civil wedding

MRS. Victoria Belo-Kho na ngayon ang kilalang beauty doctor of the stars dahil ikinasal na siya sa long time boyfriend at ama ng anak niyang si Scarlet Snow Biyernes ng tanghali sa bahay nila sa Dasmarinas Village, Makati City.

Ang Mayor ng nasabing lungsod na si Ms. Abby Binay ang nagkasal sa dalawa sa pamamagitan ng civil ceremony at si Scarlet Snow naman ang flower girl.

Nakita namin ang IG post ni Dra. Belo 30 minuto ang nakalipas bago namin sulatin ang balitang ito.

Base sa IG post ni Belo, ”I was afraid that I would feel like I would lose my freedom by getting married. Instead I feel joyful and free. Thank you #mayorabbybinay for officiating our civil wedding.”

Hindi naman namin nakita ang mga anak ni Vicky na sina Cristalle Henares-Pittat direk Quark Henares sa seremonyas kaya tinext namin ang huli.

Sagot sa amin ni direk Quark, ”nasa States ako Reggee.”

Anyway, binati muna namin sina Vicki at Hayden sabay tanong kung bakit wala sina direk Quark at Cristalle sa seremonya.

Hindi naman kami sinagot na ni Dr. Vicki hanggang matapos naming sulatin ito.

Inisip na lang namin na sa church wedding sa Paris, France dadalo ang magkapatid na Quark at Cristalle at iba pang pamilya nila na magaganap ngayong taon.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …