Wednesday , March 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Liza, nagsasawa at naiinis na sa mga bastos sa social media

PATI si Liza Soberano, very vocal na ngayon na nagsasawa na siya at walang dudang naiinis din sa mga basher ng mga artista sa social media. Sinasabi nga niya, masyadong maraming bastos sa social media. Marami ring nakikialam sa mga personal nilang buhay sa social media.

Noong araw, panay ang sabi nila na masyado silang pinakikialaman at sinisiraan ng press, kaya noong magkaroon ng social media, lahat sila nagsiksikan doon sa paniniwalang doon kaya nilang ipangtanggol ang kanilang sarili. Hindi kagaya sa lehitimong media na sinasabi nila noong araw na ”wala kaming kalaban-laban”.

Pero isang bagay ang hindi nila naisip. Maaari nga silang makipagbakbakan sa social media pero kaya ba nilang harapin ang kabastusan ng ilang undesirable elements na nasa social media rin? Hindi nila naisip na mas matindi ang blogs ng mga naninira sa kanila kaysa kanila mismo. Ang nagbabasa sa kanila iyon lang fans nila. Ang nagbabasa sa mga naninira sa kanila iyong mas marami.

At hindi iyan parehas. Hindi kagaya sa lehitimong media na may karapatan silang sumagot on equal footing. Ang sinumang kritiko nila ay may katungkulang ilabas din ang kanilang panig. Sa social media walang ganyan. Bastusan lang talaga.

Nakunsumi na nga si Soberano, at palagay namin kahit na lumunok siya ng bato at sumigaw ng Darna, hindi pa rin niya mapipigil ang mga basher na iyan. Tingnan ninyo si Maine Mendoza, noong mapikon, inalis na lang niya ang kanyang social media account. Iyong iba naman, ginagawa na lamang private ang kanilang account.

Basta inilantad mo ang sarili mo sa social media, para ka na iyong mga bakla na binabato ng bola sa mga peryahan noong araw, na basta nasapol ka hulog ka pa sa tubig.

HATAWAN – Ed de Leon

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Junar Labrador Martir Sa Golgota Lou Veloso

Junar Labrador, nagbabalik bilang Pilato sa “Martir Sa Golgota”

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio IBINALITA sa amin ni Junar Labrador na muli niyang gagampanan …

Jojo Mendrez Ronald Carballo

Jojo Mendrez ipinatitigil pagpapalabas ng interview niya kay Direk Ronald Carballo

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio MAY nagtsika sa amin na sa naging guesting pala ni …

Nadine Lustre

Nadine hinangaan magandang hubog ng katawan

MATABILni John Fontanilla TRENDING sa social media si Nadine Lustre habang nakasuot ng classic lace string bikini …

Jasmine Curtis Smith

Jasmine inamin OA reaksiyon kina Mogato at Lingao

MA at PAni Rommel Placente MATAPOS benggahin si Cong. Bong Suntay ay pinasaringan naman ni Jasmine Curtis -Smith ang …

Sofia Trazona

Sofia Trazona pinatulan komento ng step dad kay Anne 

MA at PAni Rommel Placente MATAPOS makisawsaw ni Alvin Aragon sa isyu ni Quezon City Representative Bong Suntay sa …