Saturday , November 16 2024

Para sa Eid’l Fitr: 500 MPD cops ide-deploy sa Luneta, Golden Mosque

UMAABOT sa 500 miyembro ng Manila Police District (MPD) ang ide-deploy sa Quirino Grandstand at sa Golden Mosque sa Quiapo, Maynila para sa pagdiriwang ng Eid’l Fitr, ang hudyat ng pagtatapos ng Ramadan.

Sinabi ni Supt. Edwin Margarejo, MPD public information chief, ang mga pulis ay ide-deploy dakong 4:00 am para sa panalangin na magsisimula dakong 5:00 am at matatapos ng 9:00 am.

“Influx of religious Muslim personalities are expected to celebrate the festivities and the congressional prayers. We will be deploying more than 500 police personnel,” aniya.

Ang plain clothes officers ide-deploy nang maaga para tumulong sa intelligence gathering at support special reaction units.

“Aside from that, maglalagay tayo ng advanced command post and, expectedly, siyempre ‘yung traffic situation. Mag-i-issue kami ng traffic advisory siguro by Sunday, at ‘yung ambulance o help units ide-deploy din sa area of activities,” ayon kay Margarejo.

Inaasahan ng MPD ang mahigit 2,000 katao na dadalo sa nasabing pagdiriwang sa nasabing dalawang lugar.

“Last time, more or less, 2,000 ang nagparticipate. So, we expect even more this year,” aniya.

About hataw tabloid

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *