HINATULAN ng Sandiganbayan First Division si dating PCGG chairman Camilo Sabio ng 12 hanggang 20 taon pagkabilanggo para sa dalawang bilang ng graft.
Ang PCGG noong 2007 ay umupa ng tatlong Hyundai Starex, isang Toyota Altis, at isang Toyota Innova para sa halagang P5.93 milyon sa 36 buwan.
Noong 2009, ang ahensiya ay muling pumasok sa lease contract na nagkalahalaga ng P6.73 milyon para sa anim sasakyan.
Ang ilan sa mga sasakyan ay ginamit ni Sabio at iba pang mga opisyal ng PCGG.
Sinampahan ng Office of the Ombudsman noong 2011 si Sabio at apat iba pa ng kasong graft bunsod ng hindi pagsasagawa ng bidding process para sa nasabing mga kontrata.
Kabilang din sa kinasuhan sina PCGG commissioners Tereso Javier, Narciso Nario at Nicasio Conti.
Ang isa pang akusado, si dating Commissioner Ricardo M. Abcede, ay pumanaw noong 2012.
Ang 81-anyos na si Sabio ay iaapela ang desisyon ng Sandiganbayan.