NANATILI ang Cebu Pacific flight 5J 741 mula Riyadh patungong Manila, sa King Khalid International Airport sa Riyadh habang patuloy ang maintenance ng nasabing eroplano, kahapon.
Mayroong 432 pasahero ang nasabing flight, kabilang ang tatlong sanggol.
Ang mga pasaherong may visa na maaaring makalabas ng paliparan ay inihatid sa accomodation na inilaan ng Cebu Pacific, o sa kanilang bahay.
Ang mga hindi maaaring umalis ng paliparan bunsod ng KSA visa restrictions ay binigyan ng pagkain at inomin ng Cebu Pacific onsite representatives makaraan makakuha ng special permission mula sa local authorities bunsod ng paggunita sa Holy month ng Ramadan.
Tinatayang aalis ang Cebu Pacific flight 5J741 mula Riyadh ay 5:00 pm [10:00PM Manila time], habang estimated time nang pagdating sa Manila ay 7:00 am, 23 Hunyo 2017.
Sinabi ng Cebu Pacific, ang kaligtasan ng mga pasahero ang kanilang prayoridad, at humihingi ng paumanhin sa ano mang ”inconvenience” bunsod ng insidente.
“We will post updates as further information becomes available,” ayon sa Cebu Pacific.