Saturday , November 16 2024

Mas mabangis na Human Security Act vs terorismo (Nat’l ID system ipapatupad)

BIBIGUIN ng mga awtoridad na makapasok sa Filipinas ang foreign terrorists na nagpapanggap na Muslim clerics at philanthropists, at magpapairal ng national ID system upang masugpo ang terorismo.

Ito ang mga iminungkahi ng Department of National Defense (DND) sa Anti-Terrorism Council na isama sa isusu-miteng panukalang batas na may layuning ami-yendahan ang Human Security Act of 2007 o Anti-Terror Law.

“Sa Human Security Act, ang Anti-Terrorism Council ay isa sa mga ahensiya na nagsusulong ng mga amendments or pagbabago. Kasi nakikita nila na maaaring mahina ito para tugunan ‘yung mga hinaharap nating banta,” sabi ni Armed Forces of the Philippines (AFP) spokesman B/Gen. Restituto Padilla sa Mindanao Hour press briefing sa Palasyo kahapon.

Ayon kay Padilla, kailangan nang mas mabangis na Anti-Terror Law upang matugunan ang banta ng terorismo na ilang taon pang hahara-pin ng bansa.

Kasama aniya sa rekomendasyon ng DND ay magkaroon ng kapangyarihan ang mga awtoridad na harangin, hulihin at ipiit ang mga pinaghihinalaang indibiduwal na sangkot sa terror activities na gustong makapuslit sa bansa.

“Yung pagtatalaga ho ng pagkakaroon ng pagkakataon o kapangyarihan na harangin ‘yung mga nanghihimasok dito. ‘Pag meron tayong suspicion na maaaring ang indibiduwal na pumapasok galing sa ibang bansa ay maaaring kaugnay, puwede na nating hara-ngin at hulihin at i-detain at hindi na po papasukin sa bansa. Kasi marami na pong nakapupunta rito na may cover na gagawa daw ng kawang-gawa, pero hindi naman pala kawang-gawa, kundi kabaligtaran,” ani Padilla.

Kasama rin aniya sa rekomendasyon ng DND na magkaroon ng enabling law na magpapa-tupad ng national ID system sa bansa alinsunod sa probisyon sa HSA na dapat ay magkaroon nito sa bansa.

“Yung pagkakaroon ng National ID System. Parte ‘yan ng Human Security Act. So kung isu-sulong natin ‘yung National ID System, dapat ang isa lang sa pinagkakatiwalaang identification card. Ngayon, andami-daming pwedeng gamitin. So hindi siya naka-set sa law. Pero ‘pag nagkaroon tayo ng National ID System, ‘yung inisyu (issue) lang ng National ID System at ng ibang ID ng ating mga established na mga ahensiya ang pagkakatiwalaan na tunay na nagbibigay ng identipikasyon sa isang tao,” giit ni Padilla.

Noong nakalipas na buwan ay inaprubahan ng House committee on po-pulation and family relations ang panukalang batas na magtatakda ng national ID system sa lahat ng Filipino na may edad 18-anyos pataas.

Base sa panukalang batas, ang Philippine Statistics Authority ang ahensiyang magpapatupad ng national ID system.

(ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *