IPINAPALAGAY ng karamihan na ang lugar na Happy Land at Aroma sa Tondo, Maynia ay kanlungan ng mga notoryus na kriminal at mga hoodlum.
Ang nga kasong kainasasangkutan ay mula agaw-cellphone, snatching at robbery hold-up, nasa murang edad ang mga suspek ngunit kakaiba na ang lakas ng loob nila.
‘Ika nga, kung mga kabataan ng Maute ay armado at magigilas, hindi raw uubra sa mga Batang Aroma at Happy Land na armado rin at notoryus na pasaway!
May balita rin na matapos ang ginagawang krimen sa nasabing lugar sila pumapasok na tila kinokonsinti at hindi pinapakialaman.
Mistulang safe ground na umano ng mga kriminal na osdo at hired killer ang naturang lugar.
Kung sa bagay, mahirap pasukin ang mga lugar sa baybayin at gilid ng Manila Bay, bukod sa madilim ay napakaraming pasikot-sikot ng Happy Land at Aroma.
KARAMIHAN anila ng mga residente ay may baril at mga deadly weapon sa kani-kanilang bahay.
‘Di natin alam kung maaantig ang bagong upong hepe detachment ng Smokey Mountain na si Senior Insp. Del Rosario. Kahit paano, dala niya ang kanyang yagbols at hila ang kanyang buntot.
Ganyan ang pagkakakilala ng marami kay kapitan. Pruweba ba ang kanilang hinihintay at inaasahan, Sir?
Sabi nga nila noong araw pa huling napasok at nalimas ang napakaraming matataas na kalibre ng baril sa lugar. Noong pinasok ng mga operatiba ni Supt. Decena ang erya sa pangu-nguna nina C/Insp Dionel Branon at S/Insp. Watog Samonte.
Alam kaya ni bagman Tata RIZAL B. ‘yan? O baka iba ang alam nila dahil iba ang hinuhukay ay tabakohan ng uno?!
Tanong lang po ‘yan mga sir.
TOP TEN OUTSTANDING
MANILA POLICE
PINARANGALAN, KUDOS!!!
BINABATI natin ang magigiting na pulis-Maynila na ginawaran ng parangal bilang Manila’s Ten Outstanding Police of the Year sa paggunita ng Araw ng Maynila noong Lunes.
Hindi man natin personal na kilala ang ilan sa 10 pinarangalan, pero binabati natin ang lahat dahil tiyak na munting sukli o pagkilala ang nasabing parangal sa buwis-buhay nilang pagpapatupad ng kanilang sinumpaang tungkulin.
Una na nating batiin si S/Supt. Carlito Feliciano na nagkamit ng parangal na Senior PCO for Admin, Supt. Amante Daro ng MPD PS11 na nagkamit ng Senior PCO for Operations dahil sa mga ikinasa nilang hot pursuit operations. Talaga namang mahuhusay kumapa at manghuli ng mga wanted at notoryus na durugista ang mga operatiba ng naturang himpilan dahil sa magandang pamumuno ni Kernel Daro.
Ganoon rin si MPD DSOU chief, Major Jhay Dimaandal Junior PCO for Operation na kaliwa’t kanan ang trabaho kontra kriminalidad at droga na tila hindi lang mahilig sa publicity kaya’t hindi umuugong sa publiko ang kanilang accomplishments!
Kabilang rin sa Ten Outstanding police awardee sina S/Insp. Dalsan Junior PCO for Admin, SPO4 Rex Bartolome, Junior PNCO for Admin at isang SPO4 Dennis Insierto, Junior PNCO for Operations na alam naman ng lahat sa MPD na talagang mahusay, masipag at ma-tiyagang magsagawa ng paghuhukay ng impormasyon at magkasa ng manhunt ops.
Junior PNCO for Operation rin si PO3 Ramil Lucero na parang si Insierto anila ang sipag sa trabaho.
Awardee rin bilang Junior PNCO for Admin si Po1 Florencs May Gumilab na kung hindi tayo nagkakamali e Ganda Pulis ng MPD PS1, Best Investigator of the year si SPO3 James Poso at Detective of the year si SPO1 Marian Esmas.
Mabuhay po kayo mga sir, lalo na po sina Supt. Amante Daro at C/Insp Dimaandal at SPO3 Dennis Insierto.
More bust and accomplishments to come sir!
Kudos MPD!!!
YANIG – Bong Ramos