Friday , December 26 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Racal reresbak sa Cignal HD

PAGHIHIGANTI at pagsosyo sa liderato ang hangad na makamit ng Racal Motors sa sagupaan nila ng Cignal HD Hawkeyes  sa PBA D-League Foundation Cup mamayang 5 pm sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.

Sa unang laro sa ganap na 3 pm ay maghihiwalay ng landas ang Wang’s Basketball at Gamboa Coffee Mix na kapwa may 1-2 karta.

Magugunitang ang Cignal HD at Racal Motors ay nagharap sa best-of-three Finals ng nakaraang Aspirants Cup kung saan namayani ang Hawkeyes.

Ang Racal Motors ay may 2-0 record matapos na manalo kontra sa AMA (118-100) at Zark’s Burger (140-90),

Ang Cignal HD ay na-upset naman  ng Marinerong Pilipino, 66-65 noong Hunyo 8. Nakabawi ang Hawkeyes ni coach Boyet Fernandez nang manalo sila sa sumunod na dalawang games kontra sa  AMA (86-76) at Gamboa Coffee Mix  (118-51).

Kung mapupuna, ito ang ikapitong laro ng Cignal HD samantalang ang ibang mga koponan ay may tigatlo pa lang. Ito ay dahil sa nakiusap ang Hawkeyes na i-schedule kaagad ang kanilang games upang makapaglaro ang mga collegiate players nila na hindi na nila magagamit kapag nagsimula na ang mga school leagues tulad ng NCAA at UAAP.

Ang mga pamabato ng Cignal HD ay sina Jason Perkins ng La Salle at  Reymar Jose ng Far Eastern University.

Ang iba pang inaasaan ni Fernandez ay sina  Christopher Sumalinog, Murphy Raymundo  Davon Potts at Monbert Arong.

(SABRINA PASCUA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Sabrina Pascua

Check Also

PBA TnT vs Magnolia

TNT may twice-to-beat advantage nang manalo sa Magnolia

NAKUHA ng TNT ang twice-to-beat advantage para sa quarterfinals ng PBA Season 50 Philippine Cup …

PH Ailas Pilipinas SEAG

Alas Pilipinas men’s team, nakabawi at nagkamit ng bronze

BANGKOK — Bumangon ang Alas Pilipinas mula sa pagkakaiwan ng dalawang set upang talunin ang …

PH Gilas Pilipinas SEAG

Gilas Five, dinaig ang Thailand, napanatili ang korona sa SEA Games

BANGKOK — Bumangon ang Gilas Pilipinas mula sa 13-puntos na pagkakaiwan at sa mainit na …

PH SEAG Football

Filipinas, Nakamit ang Unang Gintong Medalya sa SEAG Football

CHONBURI – Nadagdagan ng isang makasaysayang gintong medalya sa Southeast Asian Games ang listahan ng …

DLSU De La Salle UAAP

Green Archers, inangkin muli ang korona sa UAAP basketball

INANGKIN muli ng De La Salle University ang kampeonato sa UAAP men’s basketball matapos magwagi …