Monday , April 7 2025
Malacañan CPP NPA NDF

NPA raid sa Iloilo ‘birth pains’ ng SOMO (Ayon sa Palasyo)

UMAASA ang Palasyo na bahagi ng “panganganay” o “birth pains” ng kasunduan na magpatupad ng suspension of offensive military operations (SOMO) ang pamahalaan at National Democratic Front (NDF), ang pagsalakay ng mga rebeldeng komunista sa police station sa Maasin, Iloilo kamakalawa ng umaga.

Sinabi ni Presidential Adviser on the Peace Process Jesus Dureza, hindi lamang negosasyong pangkapayapaan ang nasapol nang pagsalakay ng New People’s Army (NPA) sa Iloilo kundi sumasalamin ito sa trahedya ng insurhensiya sa bansa.

Ang SOMO agreement ng gobyerno at NDF ay inaasahang sasaklaw sa buong bansa, hindi lang sa Mindanao.

“The impact is not just on the peace negotiations, it illustrates the tragedy of the insurgency. Hopefully the attack is just part of the birth pains of the agreement to stop offensive military actions, even if it covers only Mindanao as of now. It is an argument for a nationwide ceasefire.”

Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, ang pag-atake ng NPA sa Iloilo ay may bahid nang pagiging oportunista at pagsasawalang bahala sa deklarasyon na SOMO ng NDF lalo na’t naganap ito sa mismong araw na inihayag ng liderato ng kilusang komunista.

“It’s unfortunate that the NPA raid of a police station in Iloilo happened on the same day the go-vernment reciprocated the National Democratic Front’s declaration to refrain from undertaking offensive operations in Mindanao. Although the attack was not in Min-danao, the act was opportunistic in nature and disregards the nature of the NDF declaration,” ani Abella.

Nanawagan ang Ma-lacañang sa NDF na utusan ang mga armado nilang mandirigma na sundin ang kanilang direktiba at magpakita ng tunay na sinseridad sa kapwa inilatag na confidence-building measure nila at ng pamahalaan.

“We ask the NDF to call on their armed comrades on the ground to walk the talk and to show genuine sincerity on the confidence-building measure initiated by the go-vernment and their side,” giit ni Abella.

Kabilang sa mga tinangay ng NPA sa raid sa Maasin Municipal Police Station ay walong M16 rifles, apat Glock 9mm pistols, limang handheld radios, isang base radio at dalawang laptops.

Kamakalawa ay parehong nagpahayag na magpapatupad ng SOMO ang pamahalaan at NDF para magkatuwang na labanan ang mga teroristang grupo sa Marawi City at iba pang parte ng bansa.

(ROSE NOVENARIO)

About hataw tabloid

Check Also

TRABAHO Partylist 106

TRABAHO Partylist nagsusulong nang mas mataas na sahod para sa daycare workers

ISINUSULONG ng TRABAHO Partylist ang mas matibay na mga polisiya upang mapabuti ang seguridad sa …

Pagkakaisa panawagan ni Revilla

Pagkakaisa panawagan ni Revilla

NANAWAGAN si re-electionist Senator Ramon “Bong” Revilla, Jr., ng pagkakaisa sa gitna ng kinahaharap na …

Pamilya Ko Partylist inendoso sa Maynila

Pamilya Ko Partylist inendoso sa Maynila

INENDOSO at suportado nina Manila running councilor Pau Ejercito at Malou Ocsan ang Pamilya Ko …

Shamcey Supsup-Lee

Shamcey-Lee para sa Konseho sa Pasig, dinagsa ng suporta

LUMALAWAK ang suporta ng  kababaihan sa kandidatura  ni Shamcey Supsup-Lee bilang kinatawan ng unang distrito …

MNL City Run Presents Elorde The Flash Run 2025 – Run Like A Champ FEAT

MNL City Run Presents: Elorde The Flash Run 2025 – Run Like A Champ

Unleash Your Inner Champion, Run for a Cause! Get ready to lace up, push your …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *