Saturday , November 16 2024

Marawi attackers 120 na lang, bala paubos na (Ayon sa militar)

MAAARING mahigit 100 na lamang ang mga mandirigma ng bandidong grupo na omukupa sa maliit na erya ng defensive positions, ayon sa army official kahapon.

Sinabi ni Lt. Col. Jo-Ar Herrera, spokesperson ng Task Force Marawi, umabot na sa 257 extremists ang napatay sa nakaraang tatlong linggo ng sagupaan at ang nalalabing mga bandido ay nauubusan na ng bala.

“More or less, 100 to 120 ang estimate natin ngayon kasi umaabot na ng 257 ang enemy killed na ating naitatala,” pahahag ni Herrera.

“Medyo dwindling na. Humihina ang capability nila dahil nga sa report na paubos na ang bala nila,” aniya.

Gayonman, umaabot sa 400 sibilyan pa ang maaa-ring naiipit sa war zone at tinatayang 100 sa kanila ay giangamit na human shields ng mga rebelde, ayon kay Herrera.

Aniya, iniiwasan ng mi-litar ang paggamit ng airstrikes sa posisyon ng non-combatants at sasalakayin ang mga rebelde sa “close combat.”

Samantala, nagpasalamat ang opisyal sa publiko sa pagpapadala ng ilang truck na supplies, pagkain at handwritten letters para sa mga tropa ng gobyerno nitong Linggo.

“Kayo po ang lakas namin… Kahapon, in the span of a moment, parang nawala ang stress namin dahil sa ipinaramdam po ng mga kababayan natin,” aniya.

About hataw tabloid

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *