Saturday , November 16 2024

Laborer binoga sa ulo

 SUMUKO sa mga tauhan ni MPD Station 2 commander, Supt. Santiago Pascual si Jerson Aguilar, itinuturong isa sa mga suspek sa pagpatay sa biktimang si Juan Cullantes, 24, ng Baseco Compound, Port Area, Maynila.  (BRIAN GEM BILASANO)

SUMUKO sa mga tauhan ni MPD Station 2 commander, Supt. Santiago Pascual si Jerson Aguilar, itinuturong isa sa mga suspek sa pagpatay sa biktimang si Juan Cullantes, 24, ng Baseco Compound, Port Area, Maynila. (BRIAN GEM BILASANO)

WALANG buhay na natagpuan ang isang 24-anyos construction worker sa Baseco Compound, Port Area, Maynila kamakalawa ng madaling-araw.

Kinilala ng Manila Police District (MPD) Baseco PCP, ang biktimang si Juan Collantes, residente sa Block 1, Aplaya, Baseco Compound, may tama ng bala sa ulo.

Base sa ulat, dakong 1:05 am nang itawag ng isang nagpakilalang si Ivan, sa mga awtoridad na may natagpuang isang bangkay ng lalaki sa nabanggit na lugar.

Ayon sa dalawang saksi na tumangging magpabanggit ng pa-ngalan, sina Jerson Aguilar, Marlyn Dagale at isang Kuya Lito alyas Berdugo, pawang mga residente sa nabanggit na lugar, ang responsable sa pagkamatay ng biktima.

Kasalukuyang bineberipika ng pulisya ang nasabing impormasyon.

Samantala, sumuko nitong Lunes si Jerson Aguilar sa mga tauhan ni MPD Station 2 commander, Supt. Santiago Pascual.

Sinisilip ng mga awtoridad na posibleng nagkainitan habang nag-iinoman ang grupo na nagresulta sa pagpatay sa biktima.

Hindi rin inaalis ng pulisya na posibleng may kinalaman sa droga ang insidente. (BRIAN GEM BILASANO)

About Brian Bilasano

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *