MAPAPASO ang kontrata ni Indiana superstar Paul George sa 2018, ngunit ngayon pa lang ay napaulat na ipinagpaalam niya sa Pacers management ang kanyang napipintong paglipat sa Los Angeles Lakers.
Hindi na pipirma ng bagong kontata si George at tatapusin na lamang ang paparating na 2017-2018 NBA season sa India-na Pacers bago rumekta papuntang California upang matupad ang pangarap na maging La-ker, ayon sa The Vertical.
Ipinanganak ang 27-anyos na si George sa Palmdale, California at makai-lang ulit nang binanggit na kung may pagkakataon ay para sa Lakers siya maglalaro.
Ipinaalam na ito mismo ng kampo ni George sa bagong Presidente ng Pacers na si Kevin Pritchard. Magugunitang humalili si Pritchard sa posisyong nabakante ni Larry Bird na lalong nagpalabo na pipirma pa ng bagong kontrata ang Indiana star forward.
Nitong mga nakaraang araw ay umugong ang trade umano para kay George mula sa mga koponan tulad ng Boston Celtics, Lakers at maging ang Cleveland Ca-valiers lalo nang matalo ito kontra Golden State Warriors sa katatapos na Finals.
Ngunit pinabulaanan lahat ito ni George at inihayag na sa ngayon ay isa siyang “Pacer” at iyon ang hindi magbabago dahil nasa ilalim siya ng kontrata: “I am a Pacer. I am under contract, and I intend to play,” sambit niya.
Nagrerehistro si George ng 18.1 puntos at 6.3 rebounds sa 7 taon niya sa Pa-cers simula nang ma-draft bilang 10th overall noong 2010.
Sa katatapos na 2016-2017 season ay kumolekta siya ng career-high na 23.7 puntos, 6.6 rebounds at 3.3 assists. (JBU)