PINATUNAYAN ni Andre Ward na hindi tsamba ang kanyang unang panalo nang patumbahin ang karibal na si Sergey Kovalev sa light heavyweight title rematch kahapon sa Las Vegas, Nevada.
Napanitili ng Amerikanong si Ward ang kanyang WBO, IBF at WBO light heavyweight belts na naipanalo niya rin sa unang unification bout nila ng Russian na si Kovalev noong Nobyembre.
Dinale ni Ward si Kovalev ng isang malutong na kanan sa 8th round bago itinigil ng referee na si Tony Weeks sa 2:29 marka ng naturang round.
Magugunitang sa unang laban nila ay natumba si Ward sa 2nd round bago bumawi hanggang sa pagtatapos ng laban at naitakas ang decision win kontra sa mahigpit na karibal sa light heavyweight division.
Umangat sa 32-0 ang kartada ni Ward habang nalaglag sa 30W-2L-1D ang marka ni Kovalev.
Kinuwestiyon ni Kovalev ang pagtigil sa laban sa pagdidiing kaya niya pang makipagsalpukan. Idinag-dag rin niya ang mga low blows na kanyang natanggap kay Ward sa 8th round kaya’t nakubkob niya sa ropes hanggang magulpi ni Ward tungo sa pagkatalo. (JBU)