SINULONG ni super grandmaster Wesley So ang pang-siyam na sunod na draws matapos makipaghatian ng puntos kay Armenian GM Levon Aronian sa last round ng 5th Norway Chess 2017 sa Stavanger-region, Norway.
Matapos ang 10-player single round robin, nakalikom si 23-year-old So ng 4.5 points upang saluhan sa fourth place sina GM Fabiano Caruana ng USA at GM anish Giri ng Netherlands.
Solo champion si Aronian na may six points, nauwi sa draw ang laban kay So sa 59 moves ng Queen’s Gambit sa ninth round.
Magkasalo sa second sina GM Hikaru Nakamura ng USA at former World Champion GM Vladimir Kramnik ng Russia na may tig limang puntos.
Hindi naman maganda ang naging laro ni reigning World Champion GM Magnus Carlsen ng Norway matapos nitong irehistro ang four points.
Samantala, sunod na tournament na sasalihan ni So ay ang Grand Chess Tour (rapid) 2017 sa Paris, France.
(ARABELA PRINCESS DAWA)