Thursday , January 29 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ryza, lumipat sa Viva para makagawa ng pelikula

GUSTONG gumawa ng pelikula ni Ryza Cenon kaya siya pumirma ng five year exclusive contract sa Viva Artists Agency na pinamamahalaan ni Ms. Veronique del Rosario-Corpus.

Limang taong kontrata ang pinirmahan ni Ryza sa Viva nitong Huwebes kasama ang mag-aamang Vic, Veronique, at Vincent del Rosario sa Viva Office na dinaluhan ng piling entertainment media.

Si Ryza ang itinanghal na grand winner ng Starstruck Season 2 at 12 years siya saGMA 7 at dahil expired na ang kontrata niya sa GMA Artist Center noong Pebrero (2017) at saka siya nag-decide na humingi ng tulong sa Viva management.

Mahusay umarte si Ryza kaya nakakataka rin kung bakit hindi sinamantala ng GMA 7 noong mainit ang pangalan ng dalaga nang ipalabas ang Ang Manananggal sa Unit 23B sa Quezon City Film Festival 2016 na idinirehe niPrime Cruz.

Sa 12 taong pamamalagi ni Ryza sa GMA, nakakaanim na pelikula palang siya at isa lang ang bida siya, ang Manananggal sa Unit 23B pa.

Ang Viva na ang hahawak ng career ni Ryza at hiniling niyang mananatili pa rin siyang GMA talent bagay na pumayag naman sina boss Vic, Veronique, at Vincent maski na halos lahat ng talents ng VAA ay nasa ABS-CBN tulad nina Anne Curtis-Smith, Cristine Reyes, James Reid, Nadine Lustre, Louise de los Reyes, Bela Padilla, Sarah Lahbati, at Sarah Geronimo na pawang may kanya-kanya silang sariling programa.

At sa IG post ni Ryza noong Huwebes, ”Maraming-maraming salamat po sa mainit na pagtanggap. @vivaartistsagency.”

FACT SHEET – Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Raoul Aragon

Veteran actor Raoul Aragon pumanaw sa edad 78

KINOMPIRMA ng pamilya ni Raoul Aragon na pumanaw na ang veteran actor noong January 22, 2026, sa …

Nadine Lustre

Nadine galit na galit sa pumapatay ng ahas

MATABILni John Fontanilla DAMANG-DAMA ng publiko ang galit ni   Nadine Lustre sa sunod-sunod nitong post sa kanyang Instagram. …

Gina Marissa Tagasa Kokoy de Santos Rhen Escano

Gina Marisa Tagasa pumalag sa pagngawa ni Rhen 

I-FLEXni Jun Nardo REPLAY na pala ang episode sa Magpakailanman na tampok ang buhay ng Sparkle artist …

Lea Salonga

Lea hindi nakaligtas sa intriga

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SA kompirmasyong isiniwalat ni Lea Salonga hinggil sa hiwalayan nila ng asawa, marami …

Bong Revilla Jr Family

Pamilya Revilla matapang na hinaharap bagong pagsubok 

PUSH NA’YANni Ambet Nabus EXPECTED na sa showbiz ang magkaroon ng hati o mixed reactions …