PINATAWAN ng multa ng Philippine Basketball Association si TNT Katropa head coach Nash Racela at 5 pang ibang manlalaro sa kalilipas na PBA Commissioner’s Cup semifinals.
Nagmulta ng P7,500 si Racel dahil sa hindi angkop na kilos nang ireklamo niya ang hindi natawagang goal tending ni Justin Brownlee sa tira ni Joshua Smith sa Game 2 ng kanilang serye.
Bagamat nagwagi sa serye, 3-1, hindi rin nakaligtas ang ibang manlalaro ng Katropa na sina Ranidel De Ocampo, Kelly Williams at Smith sa mga pinakabagong pinatawan ng multa.
Dahil sa Flagrant Foul Penalty 1 (FFP1) na itinawag kay De Ocampo nang mapa-tid niya si Brownlee noong Game 3 at isa pang technical foul na nakuha ay napatawan siya ng P6,000 multa habang P5,000 naman ang kay Williams dahil din sa FFP1 kontra Dave Marcelo ng Ginebra sa Game 3.
Pinatawan ng P1,600 multa si Smith dahil sa patuloy na pagrereklamo sa referee.
Nadale ng P3,400 parusa si Chris Ross ng San Miguel Beermen bunga ng kanyang technical foul sa patuloy na pagrereklamo noong Game 2 kontra Star Hotshots habang si Sol Mercado ng Ginebra ay napatawan din ng P1,600 multa dahil sa technical foul mula sa pagsambit ng hindi kaaya-ayang salita.
Samantala, parehong tinapos ng SMB at TNT ang kanilang mg karibal na Star at Ginebra, ayon sa pagkakasunod upang itakda ang kanilang Finals showdown na sisiklab sa Miyerkoles.
ni John Bryan Ulanday