NAKATAKDANG sikwatin ng Philadelpia 76ers ang #1 pick mula sa Boston Celtics kapalit ang 3rd pick nito sa pagpapatuloy ng off-season at habang papalapit ang NBA Draft.
Ayon kay David Aldridge ng TNT, nagkasundo ang Boston at Philadelpia sa prinsipyo ng naturang trade ngunit sa Lunes pa maisasapinal dahil gusto munang makita ng Sixers mismo ang personal workout ng potential top pick na si Markelle Fultz.
Kung walang mangya-ring kakaiba, tuloy na ang trade at kukunin ng Sixers si Fultz bilang top overall pick sa paparating na draft.
Hindi nalugi ang Boston dahil bukod sa 3rd pick na nakuha, nasikwat din nila ang 2018 at 2019 1st round picks ng Philadelpia, ayon kay Adrian Wojranowski ng The Vertical.
Inaasahang gagamitin ng Boston ang kanilang mga assets para magtangka ng trade kay Jimmy Butler ng Chicago Bulls bago magsimula ang 2017-2018 NBA season.
Sumugal ang Celtics na dalhin sa Sixers ang top pick dahil ang potential top pick na si Fultz ay point guard na kargado ang backcourt na binubuo nina Isaiah Thomas, Avery Bradley at Marcus Smart.
Samantala, ang Sixers ay inaasahang lalong bumata at lumakas dahil sa top picks din sa roster na si 2016 #1 pick na si Ben Simmons at sensational rookies Joel Embiid at Dario Saric.
Nagrehistro ng halimaw na 23.2 puntos, 5.9 assists, 5.7 rebounds, 1.6 steals at 1.2 blocks si Fultz para sa Washington University sa kalilipas na US NCAA.
(JBU)