BINATI ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff Eduardo Año ang mga kapwa sundalo ng Happy Father’s Day na may kasamang pagsaludo, kahapon.
Sinabi ni Año, administrator ng martial law sa Mindanao, ang pagiging miyembro ng militar ang isa sa pinaka-deadliest na trabaho para sa mga ama.
“Perhaps nobody can appreciate Father’s Day better than the children of soldiers who understand that everyday that their fathers stay alive is a blessing,” aniya sa sa kanyang Father’s Day message.
Ayon sa AFP chief, ang mga sundalo ay inatasang bantayan ang seguridad ng bansa upang ang ibang mga ama ay maipagdiwang nang payapa ang Father’s Day kasama ng kanilang pa-milya.
“To a gallant soldier as you are, happy Father’s Day to everyone and God bless you!” aniya.
Habang sinabi ng pinuno ng Task Force Marawi, dahil sa nagpapatuloy na sagupaan sa Marawi City, hindi maaaring maipagdiwang ng mga sundalo ang Father’s Day kasama ng kanilang pamilya, dahil kanilang tungkulin na protektahan ang bansa.
“We cannot be there with our children because of our call of duty,” pahayag ni Brig. Gen. Rolly Bautista, commander ng Army’s 1st Infantry Division, sa kanyang Father’s Day message sa kanyang mga tauhan.
Idinagdag niyang ang “best gift” na maibibigay ng mga sundalo sa bansa ay kapayapaan.
Nitong 12 Hunyo, Independence Day, pinarangalan ng bansa ang matatapang na mga sundalo na nakikipagsagupa para sa kalayaan ng bansa, sa pamamagitan ng tribute video.
Sa pinakahuling ulat, umabot na sa 59 miyembro ng militar at pulisya ang napatay sa pakikipagbakbakan sa Maute group sa Marawi City.
Sa evacuation centers
59 PATAY NA MARAWI
REFUGEES ITINANGGI
NI DOH SEC UBIAL
ITINANGGI ni Health Secretary Pauly Ubial ang mga ulat hinggil sinasa-bing pagkamatay ng 59 refugee sa evacuation centers sa Marawi City bunsod ng iba’t ibang sakit.
“Sir, mali po report nila madaming nagkakasakit. Cases are going down. Of 638 that sought consultations last week, only 300 admitted, wala pong deaths,” pahayag ni Presidential Spokesperson Ernesto Abella, binasa ang mensahe ni Ubial sa state-run Radyo ng Ba-yan.
Dagdag pa sa paha-yag ni Ubial, “Kung meron daw po silang alam na sick na mga bakwit ipatingin lang po sa mga health centers.”
Sa ulat ng state-run Philippine New Agency (PNA), na-quote si Ubial na sinabing 59 refugees mula sa Marawi City ang namatay.
Ayon sa nasabing ulat, 19 sa mga biktima ay namatay sa loob ng evacuation centers.
Sa ulat ng PNA, na-quoted si Ubial, “The 40 evacuees staying outside the evacuation centers died of dehydration.”
Sinabi pa sa ulat ng PNA, inihayag ito ni Ubial nang bisitahin ang Legazpi City para sa 7th ASEAN Dengue Day ce-lebration.
MAUTE SISTER
ARESTADO MALAPIT
SA ILOILO PORT
ARESTADO ang kapatid na babae ng Maute brothers, at dalawang iba pa malapit sa Iloilo port nitong Linggo.
Sinabi ni Capt. Leopoldo Panopio, commander ng Philippine Coast Guard (PCG) sa Northern Mindanao, inaresto ang Maute sister habang lulan ng 2GO’s MV St. Therese of the Child Jesus malapot sa Iloilo port.
Ayon kay Panopio, naispatan ng coast guard personnel ang Maute sister, pansamantalang hindi ibinunyag ang pangalan, sa Cagayan de Oro City port nitong Sabado ng gabi.
“Bago makadaong sa pantalan ay sinalubong na namin para makuha,” aniya.