ITINANGGI ni Health Secretary Pauly Ubial ang mga ulat hinggil sinasabing pagkamatay ng 59 refugee sa evacuation centers sa Marawi City bunsod ng iba’t ibang sakit.
“Sir, mali po report nila madaming nagkakasakit. Cases are going down. Of 638 that sought consultations last week, only 300 admitted, wala pong deaths,” pahayag ni Presidential Spokesperson Ernesto Abella, binasa ang mensahe ni Ubial sa state-run Radyo ng Bayan.
Dagdag pa sa paha-yag ni Ubial, “Kung meron daw po silang alam na sick na mga bakwit ipatingin lang po sa mga health centers.”
Sa ulat ng state-run Philippine News Agency (PNA), na-quote si Ubial na sinabing 59 refugees mula sa Marawi City ang namatay.
Ayon sa nasabing ulat, 19 sa mga biktima ay namatay sa loob ng evacuation centers.
Sa ulat ng PNA, na-quoted si Ubial, “The 40 evacuees staying outside the evacuation centers died of dehydration.”
Sinabi pa sa ulat ng PNA, inihayag ito ni Ubial nang bisitahin ang Legazpi City para sa 7th ASEAN Dengue Day celebration.