UMAKYAT sa 310 ang bilang ng mga namatay sa nagpapatuloy na sagupaan ng mga tropa ng gobyerno at local terror group Maute sa Marawi City, ayon sa ulat ng military official nitong Biyernes.
Ayon kay Lt. Col. Emmanuel Garcia, commander ng 4th Civil Relations Group, base sa records ng Joint Task Force Marawi, may kabuuan 26 sibilyan ang pinatay ng Maute, habang 1,629 ang nasagip ng mga tropa, local government units at civil society organizations.
Aniya, umabot sa 225 ang bilang ng napapatay na mga terorista, habang 208 fireams ang narekober.
Sa panig ng pamahalaan, nakapagtala ng 59 patay.