TINATAYANG aabot sa siyam hanggang 14 bagyo ang maaaring tumama sa bansa mula Hunyo hanggang Nobyembre, ayon sa state weather bureau PAGASA.
Ayon sa PAGASA, opisyal nang nagsimula ang panahon ng tag-ulan sa bansa nitong 30 Mayo.
Gayonman, walang inaasahang bagyong papasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR) hanggang 20 Hunyo.
Ngayong taon, ang Filipinas ay nakaranas ng apat tropical cyclones, kabilang dito ang bagyong Auring, Bising, Crising, at Dante.