TINAMAAN ng “sniper bullet” ang isang foreign journalist sa loob ng compound ng Lanao del Sur provincial capital nitong Huwebes, habang nagko-cover sa krisis sa Marawi City, ayon sa ulat ni Pre-sidential spokesman Ernesto Abella.
Kinilala ang journalist na si Adam Harvey ng Australian Broadcasting Corporation, tinamaan ng bala sa leeg. Siya ang unang journalist na nasugatan sa Marawi siege.
Ayon sa kasama, kinukuhaan ng retrato ni Harvey ang mga batang naglalaro sa compound nang makarinig sila ng mga putok.
Nauna rito, hinubad ng foreign journalist ang kanyang bullet proof vest upang siya ay makapag-squat para makakuha ng mas mainam na retrato.
Ang capitol, malayo sa conflict areas, ay ikinokonsiderang pinakaligtas na lugar sa lungsod, doon nagtitipon-tipon ang mga opisyal ng mga ahensiya ng gobyerno at doon nananatili ang mga journalist.
Si Harvey ay isasailalim sa x-ray upang mabatid ang tindi ng pinsala.
Samantala, pinayuhan ni Abella ang mga journalist sa Marawi “to stay out of trouble” at maging objective sa kanilang pag-uulat.
“I think they should be as objective as possible and see it in the context that this is basically an action of rebellion. Stay out of trouble,” pahayag ni Abella.