Thursday , December 25 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Warriors kampeon (Durant, finals MVP)

INABOT ng 10 taon ngunit sa wakas ay nahagkan na rin ni Kevin Durant ang kanyang ina-asam-asam na kampeonato matapos ang pambihirang 129-120 panalo sa Game 5 upang tapusin ng Golden State Warriors ang serye, 4-1 at mabawi ang trono mula sa Cleveland Cavaliers sa 2016-2017 NBA Finals kahapon sa Oracle Arena.

Pumupog si Durant ng 39 puntos, 7 rebounds at 5 assists rekta sa pagkopo ng Finals MVP. Nagrehistro si Durant ng impresibong 35.2 puntos, 8.4 rebounds at 5.4 assists sa limang laro sa Finals.

Magugunitang lumipat si Durant mula Oklahoma City Thunder nga-yong taon at naging ikatlong manlalaro na nakasukbit ng Finals MVP sa unang taon sa bagong koponan sa likod nina Moses Malone noong 1983 at Magic Johnson noong 1980.

Nakabawi si Durant sa karibal na si LeBron James buhat ang dating koponan niyang OKC kontra sa Miami Heat ni James noong 2012 NBA Finals, 4-1.

Naiiwan sa 33-41 kalagitnaan ng ikalawang kanto, pina-ngunahan ni Durant ang 28-4 bulusok ng Warriors upang itayo ang 61-45 kalamangan.

Bagamat nakipagpukpukan ang Cavs hanggang  makadikit pa sa 86-88 sa ikatlong kanto, nanaig pa rin ang init ng Warriors tungo sa kanilang  ikalawang  kampeonato sa tatlong taon.

Nag-ambag si 2-time reigning MVP Stephen Curry ng 34 puntos at 10 assists habang may 20 puntos din ang 2015 Finals MVP na si Andre Iguodala.

Sa kabila ng halimaw na 41 puntos, 13 rebounds at 8 assists ni James at solido ring suporta ni Kyrie Irving at JR Smith sa 26 at 25 puntos, ayon sa pagkakasunod ay kapos pa rin para sa Cleveland na bigong maidepensa ang kanilang korona.

Kumayod si James ng 33.6 puntos, 12 rebounds at 10 assists sa kabuuan ng NBA Finals upang maging kauna-una-hang manlalarong nakapagrehistro ng triple double sa kasaysayan ng Finals ngunit hindi pa rin nakaligtas sa paglasap niya ng masaklap na ika-limang kabiguan sa walong salang sa NBA’s Last Dance.

ni John Bryan Ulanday

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Bryan Ulanday

Check Also

PBA TnT vs Magnolia

TNT may twice-to-beat advantage nang manalo sa Magnolia

NAKUHA ng TNT ang twice-to-beat advantage para sa quarterfinals ng PBA Season 50 Philippine Cup …

PH Ailas Pilipinas SEAG

Alas Pilipinas men’s team, nakabawi at nagkamit ng bronze

BANGKOK — Bumangon ang Alas Pilipinas mula sa pagkakaiwan ng dalawang set upang talunin ang …

PH Gilas Pilipinas SEAG

Gilas Five, dinaig ang Thailand, napanatili ang korona sa SEA Games

BANGKOK — Bumangon ang Gilas Pilipinas mula sa 13-puntos na pagkakaiwan at sa mainit na …

PH SEAG Football

Filipinas, Nakamit ang Unang Gintong Medalya sa SEAG Football

CHONBURI – Nadagdagan ng isang makasaysayang gintong medalya sa Southeast Asian Games ang listahan ng …

DLSU De La Salle UAAP

Green Archers, inangkin muli ang korona sa UAAP basketball

INANGKIN muli ng De La Salle University ang kampeonato sa UAAP men’s basketball matapos magwagi …