Monday , May 5 2025

DoJ nagpasaklolo sa Interpol vs Lascañas

INIUTOS ng Department of Justice (DoJ) sa National Bureau of Investigation (NBI), na makipag-coordinate sa International Police Organization (Interpol) para sa pag-aresto kay retired policeman Arturo Lascañas.

Inatasan ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre II si NBI Director Dante Gierran noong 8 Hunyo, na humingi ng tulong sa Interpol kaugnay sa kinaroroonan ni Lascañas at makipag-coordinate sa proper authorities sa pag-aresto sa nasabing suspek.

Nauna rito, nagpalabas si Judge Retrina Fuentes ng Davao City Regional Trial Court Branch 10, ng warrant of arrest para kay Lascañas noong 5 Hunyo, kaugnay sa kasong frustrated murder at murder hinggil sa dalawang beses na pagtatangka sa buhay ng journalist na si Jun Pala noong Hunyo 2002 at Abril 2003, at pagpaslang sa nasabing mamamahayag noong 6 Setyembre 2003.

Ang mga kaso ay inihain ng Davao City Prosecutor’s Office noong 1 Hunyo, makaraan may makitang probable cause para kasuhan sa korte si Lascañas.

Si Lascañas, nagtungo sa Singapore noong 8 Abril, ay umamin na siya ang team leader ng sinasabing vigilante group na Davao Death Squad.

Para maaresto si Lascañas
PAGHINGI NG TULONG
NI AGUIRRE SA INTERPOL
KINONDENA NI TRILLANES

061417 aguirre trillanes interpol Lascañas

KINONDENA ni Senador Antonio Trillanes IV ang naging direktiba ni Department of Justice ( DoJ) Secretary Vitaliano Aguirre sa National Bureau of Investigation ( NBI), na makipag-coordinate sa Interpol para sa pag-aresto kay dating SPO3 Arturo Lascañas.

Ayon kay Trillanes, maliwanag na panggigipit ang ginagawa ni Aguirre sa mga testigo na nagpapahayag ng laban kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Aniya, kitang-kitang ginigipit ng administrasyon ang dating testigong si Edgar Matobato, dating miyembro ng Davao Death Squad ( DDS), na siyang pumaslang sa mga sangkot sa illegal drugs sa Davao City.

Iginiit ni Trillanes, ang panggigipit kina Lascañas at Matobato ay patunay na nagsasabi ng totoo ang dalawa laban kay Pangulong Duterte.

(CYNTHIA MARTIN)

About hataw tabloid

Check Also

3RDEY3 AI

Prediction ng AI: Abby Binay, puwedeng malaglag sa Magic 12

KUNG pagbabatayan ang pag-aanalisa ng artificial intelligence ng 3RDEY3 (@3RD_AI_) na naka-post sa X, may …

Comelec Vote Buying

2 kapitan umangal sa vote buying vs Cong sa Aklan

IBINULGAR ng dalawang barangay chairman na nagsampa ng disqualification case laban kay Aklan 2nd District …

Move it

TWG sa Move It: Itigil operasyon sa Cebu at CdO

PINATAWAN ng Motorcycle Taxi Technical Working Group (MC Taxi TWG) ng parusa ang Move It …

Sulong Malabon

Sulong Malabon movement todo suporta sa kandidatura ni mayor Jaye Lacson-Noel at congressman Lenlen Oreta

TAHASANG nagpahayag ng suporta ang multi-sectoral movement na Sulong Malabon sa tambalan nina Congresswoman Jaye …

Comelec Money Pangasinan 6th District

Sa Distrito 6 ng Pangasinan
Rep. Marlyn Primicias-Agabas nagreklamo sa COMELEC at PNP vs malawakang vote buying

NAGHAIN ng dalawang magkahiwalay na liham si Representative Marlyn Primicias-Agabas ng Distrito 6 ng Pangasinan …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *