BINAWIAN ng buhay ang tatlong batang ‘bakwit’ habang daan-daang iba pa ang may sakit sa mga evacuation center na tinakbohan ng mga sibil-yang lumisan sa gulo sa Marawi City.
Ramdam ang gutom at maraming ulat na hindi mapigil ang pagtaas ng presyo ng ilang bilihin.
Siksikan ang mga dating maluluwag na covered courts sa Lanao del Sur at sa Iligan dahil sa pagdating pa ng mga tao kaya mas madaling nagkakahawaan ng sa-kit.
Mula 8 Hunyo hanggang kamakalawa, ilang batang bakwit na sa Sa-guiaran, Lanao del Sur ang namatay.
“We have three deaths here all because of severe dehydration… Ca-ses of diarrhea and pneumonia are going up,” ayon kay Dr. Nariman Lao Taha, volunteer doctor sa evacuation center.
Habang may iniulat sa Department of Trade and Industry, na ang ibi-nebentang bigas sa Marawi ay nagkakahalaga ng P225 kada kilo.
Ito’y sa kabila ng ipinatutupad na price freeze kasunod ng deklarasyon ng martial law sa Min-danao.
Aminado ang DTI na wala silang magagawa sa isyu ng mataas na presyo ng bigas sa ngayon dahil nasa kamay ng Department of Agriculture kung magkano ang itatakda nilang presyo sa Mindanao.
Habang hindi naniniwala ang DA na may bigas na ibinebenta sa halagang higit P200.
“Sa Marawi, kahit umabot ‘yan ng P500, sino’ng bibili doon? Walang tao doon. Saka, I don’t believe that. May supply ng bigas sa eva-cuation center. DTI na raw po bahala sa rice price monitoring in gene-ral,” ayon kay DA Secretary Manny Piñol.
Samantala, hindi gumalaw sa presyong P27/kilo ang NFA rice, at na-nanatili sa P38-50 kada kilo ang commercial rice.
Habang matatag ang na-monitor na presyo ng construction material at canned goods.
Magtitipon ang National Price Coordinating Council sa Huwebes u-pang pag-usapan ang price freeze.
5 PULIS, 5 SIBILYAN
NASAGIP SA MARAWI
BATTLE ZONE
NASAGIP ng mga tropa ng gobyerno nitong Martes ang limang pulis at limang sibilyang na-trap nang lusubin ng Maute terrorist group ang Marawi City, tatlong linggo na ang nakalilipas.
Ang mga pulis ay nakikipag-ugnayan sa mga awtoridad mula nitong 23 Mayo, ngunit hindi agad nakatakas mula sa battle zone bunsod nang matinding palitan ng putok at presensiya ng mga terorista, pahayag ni Senior Supt. Marlon Tayaba, commander ng ARMM police’s Public Safety Battalion.
Sinabi ni Tayaba, nagkaroon ng pagkaka-taon na makatakas ang mga pulis mula sa battle zone sa Brgy. Moncado Kadingilan nitong Lunes ng gabi.
Isinama ng mga pulis sa pagtakas ang limang sibilyan na kasama nila sa pagtatago sa isang bahay.
Ayon kay PO1 Lumna Lidasan, isa sa mga nasagip, hindi nila maatim na iwanan ang mga sibilyan.
“Pwede naman ka-ming lumabas, magkunwari kasi mga Muslim kami. Pero naisip ko, ‘pag iniwanan, kawawa sila, hindi marunong magsalita ng Maranao iyan. Alam ko papatayin sila,” pahayag ni Lidasan.
“Sabi ko, huwag ka-yong mag-alala, sama-sama tayo. ‘Pag na-rescue tayo, ako ang huling sasakay, maligtas lang kayo,” aniya.
Ayon kay Lidasan, nakipagpalitan sila ng putok sa Maute fighters habang tumatakbo ng dalawang kilometro mula sa Moncado Kadingilan patungo sa kalapit na Brgy. Banggolo, at doon sila nasagip.
Bukod kay Lidasan, kabilang sa nasagip na mga pulis sina PO3 Ricky Alawi at PO1s Esmael Adam, Ibrahim Wahab at Bernard Vilariz.
Kasama nila ang mga sibilyan na sina Analices Mari, Jerald Alico, Rodel Alico, Meteo Velasquez Jr. at Jeniver Velasquez.