Monday , December 23 2024

Workers sa Bora pinagloloko ng mga kapitalista

NASA isla ng Boracay tayo nitong nakaraang linggo para isang bakasyon kasama ang pamilya. Hindi ko inaksaya ang bawat minuto sa lugar — napakaganda pa rin ng beach ng Boracay — a perfect creation by our Almighty God! Salamat po Panginoon.

Kaya dapat mapangalagaan ang Boracay hindi lamang ng mga mamamayan dito na matatagpuan sa Malay, Aklan kundi maging ng mga turista, lokal man o dayuhan.

Higit sa lahat, ang dapat manguna sa pangangalaga sa lugar ay mga kapitalistang nagnene-gosyo sa isla. Nakalulungkot ngang sabihin na sa sobrang progreso ng Boracay ay unti-unti nang tinitibag ang isla.

Oo, kaliwa’t kanan na rin kasi ang pagtatayo ng mga naglalakihang gusali (condominium) sa isla. Kinakalbo at tinitibag na ang mga kabundukan.

Batid natin ang nangyayaring mga ‘pagtitibag’ sa Boracay, hindi lamang sa naririnig natin ito kundi sadyang inikutan natin (sa pagtakbo) ang buong isla.

Napakaraming ongoing construction sa isla partikular sa Barangay Yapak.

Hindi naman tayo tutol sa patuloy na nangyayaring progreso sa isla kundi baka sa sobrang ginagawa sa Boracay, masisira na ang lugar lalo na’t napakalaki ng problema sa basura dito mula sa mga napakaraming establisiyemento. Bukod pa sa problema sa sewerage system.

Tulad nang naunang nabanggit, hindi natin sinasayang ang bawat minuto sa Boracay kaya sa pagtakbo sa umaga… inikutan natin ang buong isla kaya nakita natin ang patuloy na ‘pagtibag’ ‘este construction sa isla.

Sa dalawang araw na pamamalagi sa Boracay — sa isang budgeted na beach resort, affordable po ang family room sa Sun Woo Beach Resort na nasa Station 2 (100 meters away sa white beach) – P2,800 per night for 6 pax with breakfast for 4 pax. May swimming pool din ang place.

Bukod dito, puwede rin magluto sa Sun Woo. Huwag kayong mamalengke sa D’ Talipapa kundi doon po kayo mamalengke sa Bukid Talipapa – malayong mas mura ang mga nabibili kaysa sa D’ Talipapa.

Ginto ang presyo sa D’ Talipapa habang tanso lang sa Bukid Talipapa. Fresh din ang mga isda, crabs at lobster sa Bukid Talipapa. Bukod dito, pareho lang ang kanilang pinagkukuhanan ng mga paninda.

Kaya, halos hindi rin bakasyon ang ginawa natin sa Boracay kundi namalengke at nagluto para sa mga mahal ko sa buhay. Napakamahal po kasi ng pagkain sa mga restoran sa Boracay.

O, hayan tips ko na sa inyo iyan sa mga nagpaplanong mag-Bora next year na budgeted ang pondo. Para mas mura din ang pamasahe papunta sa isla – mag-2Go rin kayo.

Habang nasa isla tayo, marami pa rin tayong nalaman sa pagtatanong sa ilang nakilalang mga manggagawang pumapasok sa malalaking kilalang hotel o beach resort.

Nakaaawa pala ang kalagayan ng maraming manggagawa – marami sa kanila ang hindi tumatanggap nang maayos na suweldo. Wala sa mi-nimum wage para sa lalawigan ng Aklan na P323.50 kada araw.

May mga sumasahod ng P200, P250at P300 kada araw habang mayroon naman nasa minimum. Bukod dito, marami rin sa mga manggagawa ay walang SSS – hindi sila kinakaltasan. May mga kinakaltasan ng SSS pero hindi raw kompleto ang hulog.

Pagdating sa 13th month pay, ibinibigay naman daw ito pero hulugan sa loob ng limang buwan. Ang probationary employees ay hindi nabi-bigyan ng 13th month pay.

Ganito kagulang ang ilang kapitalista sa Boracay. Gamit na gamit na nga lang nila ang kagandahan ng isla, pagkatapos ganito pa ang kanilang iginaganti sa isla – ang pagsamantalahan ang kanilang mga manggagawa, waiter, waitress, room boy, chamber maid, janitor, etc.

Ngayon, sana kung gaano kasipag ang gobyerno – Department of Tourism (DOT) sa kapo-promote sa Boracay, silipin naman sana nila ang kalagayan ng mga manggagawa. Ipaalam sa DOLE na kumilos.

Katunayan, hindi naman kailangan ng formal complaint sa DOLE para kumilos ang ahensiya kundi may programa ang ahensiya na maaari silang magsagawa ng surprise inspection sa mga naglakakihang resorts at restaurant sa isla.

Kaya, tinatawagan natin nang pansin ang DOLE Kalibo, Aklan, at SSS Kalibo, pakitulungan ang mga kinakawawang manggagawa ng Boracay. Libo o daan-daan ring manggagawa ang pinagloloko sa isla.

Pero may mga kapitalista o employer na ma-tinong magpasahod naman.

AKSYON AGAD – Almar Danguilan

About Almar Danguilan

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *